Sa Lilim ng Araw

Sa lilim ng araw tayo ay lantad
Kinakalabit ng mga latak ng kawalan
Pinipisak ang mga matang sinawimpalad
Pinapaslang ang mga bibig na binusalan.

Sa lilim ng araw lahat tayo ay ‘di ligtas
Sinugo ang karimlan para tayo ay hagkan
Inaalayan ng oda habang tayo ay kinakaladkad
Binibitay sa pawis na hindi dinasalan.

081013
Sa LRT

Leave a comment