(Untitled)

It was a long time ago;

It was, a long time, a go.

Advertisements

Ang Bituin na Hindi

Yaong kumikinang-kinang,
Ngumingiti-ngiti
Ay bituin na hindi.

Ang iyong nakikita
Ay matingkad na alaala
Ng matagal nang wala.

Ang iyong napapansin
Ay bituin na hindi
Kundi liwanag sa dilim.

Mahirap Maging Tupa

01-08-17_aaa-6

Kuha ni Albert Alcain

Bigla ba namang dumami ang mga DDS na paham pala sa teolohiya at comparative religion. Aba, maging ‘yong mga kilala kong Romano Katoliko na madalas magbahagi ng mga larawan nina Maria at Kristo, bilang sumasalag sa mga atake kay Duterte. Mga Hudas, ah. Estupido ang Diyos, sabi ‘yan ni Duterte ha. At ipinaliwanag ng Diyos-Diyosang si Duterte ang sinabi niya: iba raw ang Diyos niya sa Diyos ng mga Katoliko. Ang Diyos daw ng mga Katoliko, estupido. Ang Diyos ni Duterte, may common sense raw.

Eh ‘di ‘yong mga tupa ni Duterte, sige na sa pag-iingay para patotohanan ang sinambit ng kanilang pastol. ‘Yong mga ipokritang Katoliko, ‘yon, tumaliwas sa aral ng kanilang simbahan. Bigla-bigla’y anti-Katoliko pala sila. Tiyak, magsisimba pa ‘yang mga ‘yan sa Linggo at makikisawsaw pa ng daliri sa banal na tubig. At ‘wag na tayong dumako sa ilang Born Again na nagmistulang apologist ni Duterte kakatanggol dito porke ‘yong Diyos daw ng mga Katoliko ang inaaway ng poon ng Pilipinas.

Pero ang mangmang naman noong mga naniwala sa sinabi ni Duterte na iba ang Diyos niya sa Diyos ng mga Katoliko. Iisa po ang Diyos nga mga relihiyong Abrahamic. Kung ang Diyos ni Duterte ay iba sa Diyos ng mga Katoliko, eh ‘di anong relihiyon niya o ang kanyang espiritwal na paniniwala? Hindu ba siya? O ‘di kaya’y pagano? Ni hindi mo nga malaman kung atheist si Duterte dahil hindi siya humanist. Baka siya ‘yong panggap na atheist na nagpapa-cool para maiba. Kung “non-denominationalist” si Duterte, anong uri siya nito? Tutal paham naman sa relihiyon ang mga DDS, baka alam na nila ang sagot, ‘di lang nila maipaliwanag dahil sa cognitive dissonance na nararanasan nila. Ang hirap talagang maging tupa.

Ngayon, maniniwala ka bang iba ang Diyos ng mga Katoliko sa Diyos ng mga Protestante, ng mga Hudyo, at maging mga Muslim? Kung oo, magkumpisal na ngayon sa iyong kababawan. Ulit, lahat ng ‘yan nakapailalim sa Abrahamic faith kaya iisa ang Diyos ng mga ‘yan bagkus iba ang mga paniniwala.

Mukhang tama siguro ‘yong sinabi ni Carlos Conde ng Human Rights Watch. Na ‘yong mga tagasuporta ni Duterte, para hindi mapahiya o mawalan ng faith sa binoto nila, gagawin ang lahat para ipagtanggol ang ginagawa ng kanilang idolo kahit ba mali pa. ‘Yong iba sa 16 milyong panatiko ni Duterte, nananahimik na lang daw. Pero nakakabahala ngang may mga rabid na DDS na iwawaksi maging katotohanan para lang ipaglaban ang kabuktutan, para lang hindi mapahiya o mawalan ng pag-asa kay Duterteng Diyos nila. What a stupid God.