Pagitan ng Pag-ibig

Hindi ka mahagkan

Hindi man lang matitigan

Maging sa panaginip

Kay-ilap mo minsan.

Kaybagal ng panahon

Ngayong wala ka sa tabi ko

Walang magawa

Kundi magbilang ng oras.

‘Di man mahagip

Ng aking paningin

Ramdam ng puso ko

Na ika’y kapiling.

Malayo man sa isa’t isa

At kaytagal bago muling magkita

Pag-iibigan ay lalong titibay

Dahil walang distansiyang nakaaaray.

Para kay Jo.