Uy, nand’yan ka pala!

Sa dami ng iyong ginagawa:
Paglalaro, pagtulog,
Panonood, pagdadabog
Matapos ang gawaing-bahay,
Pagtunganga,
Pagsasawalambuhay,
Hindi ko malaman kung ano
Ako
Sa’yo.

Pahingahan?
Tiyak, pampalipas-oras.

Advertisements

9/11

Ngayon ay September 11.

9/11. Isang trahedyang araw para sa marami.
9/11. Maraming nalagas na buhay.
9/11. Tanda mo, ‘di ba? Ang daming inosenteng namatay.
9/11. ‘Yong iba hanggang ngayon nawawala pa.

9/11. Sa Amerika, may dalawang gusaling inatake.
9/11. Sa Pinas, pinanganak si Marcos sa Ilocos Norte.

Parehong sakuna.

Lindol

Kung habang may lindol
Ay nasa himpapawid ka,
Pansamantala lang ang kaligtasan
Na iyong makukuha
Dahil sa muling pagtapak
Ng iyong mga paa sa lupa,
Isang kapahamakan
Kung ang mundo’y ‘di mo na kilala.