072215

Maraming mga pagkakataon sa buhay ngunit hindi lahat ng pagkakataon ay may buhay.

Advertisements

May Forever and Ever sa Pulitika!

DSC01412

Isang paalala sa aming mga nasasakupan: May forever po! Forever and ever pa!
Isang Personal Interest Announcement mula sa inyong mga “public servant”

O, sabi ng Kapitan ng Addition Hills (na nagparinig nang tatakbo raw sa Konseho), susunod na alkalde na raw ng Mandaluyong ang asawa ng kasalukuyang alkaldeng si Benhur Abalos. Papalitan naman ng asawa ni Neptali Gonzales II ang kanyang puwesto sa Kongreso! Aba! Ginawa nang love seat ng mga mag-asawang ‘to ang gobyerno! At kampante pa nga talagang sila na agad ang mananalo! Mabuhay ang dinastiya!

Ika nga sa Mandaluyong, “Gawa Hindi Salita.” Pero pahabain dapat natin ‘yang mottong ‘yan: “Gawa Hindi Salita, May Kasamang Mukha!” Pero kung tutuusin, “Performance Speaks” naman yata talaga sa Mandaluyong, nakakasawa lang talaga ang political patronage sa lungsod ( at sa bansa). Napakalaganap na ng libreng impormasyon sa panahong ito ngunit ang mga botante, nananatili pa ring mangmang.