A Night So Normal

From the Superficial Gazette of the Philippines

The equinox scoots
Over the tropical nation,
Giving the night an edge
Over the imposing daylight.

The pesky heat of the Pacific sun
Is stooped by the unforgiving breeze,
Sifting through the nation
As if a hero demanding a vibrant welcome.

The Siberian wind chills the evening
That is longer, that is stronger–
Just what folks need the most,
A comforting weather to hem them to sleep.

And others sleep for good,
The sunlight is no more–
The equinox snatched them quick,
The breeze shushed those who speak.

The summer scent is still there
For those who stay, who fight;
But pals who said goodbye,
Do so with hapless sigh.

For my President, Miriam Defensor Santiago

wagmagsawalambahala

Binabagtas, matagal na panahon na,
Ng aking paa, itong pangungulila–
Tanong sa kawalan, liwanag nasa’n ka?
Nang lahat ay mawala, bakit kailangang may matira?

Ginagalugad ang gubat ng pagluluksa,
Baka maaaring iwan dito ang mga ayaw na gunita
O mapulot sa ilang ang mga nais maalala–
Nang lahat ay mawala, bakit kailangang may matira?

Kasiyaha’y ‘di darating kung magsasawalangbahala
Sa mga nararamadaman at nakikita–
Kasiyaha’y darating kung tinatanggap ang pagdurusa,
Ang pagkilala sa kalungkutan ay simula ng pag-asa.

Maaaring magpanggap na ako–ikaw–ay masaya,
Ngingiting walang maliw, sasalubungin ang umaga–
Ngunit ang tanong, magaan ba ang dinadala?
Magpadala sa hapis, aakayin ka nito sa saya.

Nagtatago ang pag-asa sa maraming mukha–
Hindi kolorete, hindi maskara–
Nakasimangot ka ngayon, hayaan lang muna;
Galit ka pa rin ba? Hayaan lang tumila.

Hindi pinipilit ang agarang maging masaya,
Maging kalungkutan ay dapat dinarama,
Kaya’t sa susunod na mapadpad sa laot ng pagdurusa,
Magpatangay dito’t magpabasa sa luha.

Muli’t muli’y daraan ka sa gubat ng pagluluksa,
Susubukin kung ika’y matatag na,
Ngunit magagawa mo nang harapin ang ayaw makita
Kahit wala na ang lahat at ikaw na lang ang natira.

Sa susunod na ikaw ay mabihag ng madilim na gunita,
Huwag magsawalangbahala’t idilat ang mata–
Sa poot, galit, lungkot at takot nagtatago ang pag-asa,
Kahit wala na ang lahat at ikaw na lang ang natira.

Lahok sa Saranggola Blog Awards 2016 [Tula: Pag-asa]

Mga isponsor:

dmci1 inquirer

devicephilippines dailypedia lionheartv

Tao, Pakay Mo?

Minsan pang hinamak ka
Ng mundong mapanghusga;
Madalas ding subukin ka
Ng madlang mapangmata.

Anong mundo ang mayroon ka?
O saang mundo ka titira?
Dito sa lupa ay tao ka
Ngunit sa langit ika’y malaya.

Kaya’t sa pananatili rito sa lupa
Gawing mundo ang pagtiwala sa Kanya–
Siyang ang mata ang tunay na mahalaga,
Siyang sumusubok upang matiyak ang ‘yong pananampalataya.

Wangis mo ay wangis Niya
Ngunit gawa mo’y hindi Niya gawa–
Kaya sa pananatili mo rito ng pansamantala,
Subukin ang sarili: gawin mo ang gawa Niya.

Lahok sa Saranggola Blog Awards 2016 [Tula: Pananampalataya]

Mga isponsor:

dmci1 inquirer

devicephilippines dailypedia lionheartv