May Mumo*

Habang nanonood ng Halloween Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

Bryan: Kaya pala ‘pag nasa kusina ko iba pakiramdam ko.
Mama: Bakit?
B: Kasi ang dami mong lumang Tupperware ro’n. Baka pinamamahayan na ng mga espirito.

*Sa ibang lugar sa Pilipinas, mumo ang tawag sa (mga maliliit na) tira-tirang pagkain. Halimbawa ay ‘yong mga naiipon sa salaan ng lababo tuwing naghuhugas ng pinggan.

Hustisya Para sa Pasa ni Junjun Binay

Humihiling ako ng hustisya
Para sa pasa ni Junjun Binay
Na kung tutuusin, mahirap namang makita
Dahil sa kulay ng kanyang balat.

Sa kasabay na balita’y may mga bisitang dumating
‘Yong apatnapu’t dalawang pulis na nasa kahon
Kinukumutan ng bandila, sinasalubong ng hinaing
Basag ang mukha, lasog ang katawan.

Humihiling ako ng hustisya
Para sa pasa ni Junjun Binay
Dahil hindi maaaring hindi madantayan ng katarungan
Ang kutis ng mayayaman.

Hihiling din sana ko ng hustisya
Sa kaluluwa ng apatnapu’t apat na pulis
Ngunit sumagi sa isip kong bayani lang sila
Na isang araw lang inaalala.

Mga Singit:

“Mahirap kung lagi kang itinuturo. Baka kaya ayaw mo sumagot kasi totoo ‘yung sinasabi. Give us a response and whatever [it] is, a leader like you will know how to accept responsibilities. Deafening silence, but sa mga nagsasalita, siya ang itinuturo.” – Ginanahang magpayo si Jejomar Binay kay Alan Purisima

“Kilala n’yo naman po ako, kapag nagbitiw ako ng salita, tinutupad natin.” – Noynoy Aquino sa pagtugis kay Usman

Bakit tayo nagluluksa?

Tawanan natin si PNoy at ang ating mga sarili.