Uy, nand’yan ka pala!

Sa dami ng iyong ginagawa:
Paglalaro, pagtulog,
Panonood, pagdadabog
Matapos ang gawaing-bahay,
Pagtunganga,
Pagsasawalambuhay,
Hindi ko malaman kung ano
Ako
Sa’yo.

Pahingahan?
Tiyak, pampalipas-oras.

Advertisements

9/11

Ngayon ay September 11.

9/11. Isang trahedyang araw para sa marami.
9/11. Maraming nalagas na buhay.
9/11. Tanda mo, ‘di ba? Ang daming inosenteng namatay.
9/11. ‘Yong iba hanggang ngayon nawawala pa.

9/11. Sa Amerika, may dalawang gusaling inatake.
9/11. Sa Pinas, pinanganak si Marcos sa Ilocos Norte.

Parehong sakuna.

Araw ng mga Bayaran este Bayani

May sinulat si Jose Rizal tungkol kay Maria Clara na nagdadamit daw kasi siyang kita ang siko kaya ginahasa ni Padre Salvi. Kung ‘di sana nagsuot ng ganyan eh ‘di hindi natukso ‘yong lalaki ‘di ba?

Tuwang-tuwa ang mga indio rito, sabi nila rape joke lang naman. Symbolism din daw. Pero maraming fraile na nainis kasi propaganda raw ito laban sa kanilang sekta. Rage mode on tuloy ang mga elitistang peninsulares.

So pinatay ng mga “fuck you, EU” na Español ang human rights advocate na si Jose Rizal dahil hindi siya partner for change. “YAAAAS!” sabi ng mga fraile at ng mga nasa Palacio de Gobernador, akala nila nabunutan na sila ng tinik. Ang hindi nila alam, REAL change is coming.

Triggered ang squad ni Andres Bonifacio sa nangyari. “Qiqil mo si acoe. Oras na para punitin ang mga cedula for the Motherland. Anong palagay niyo mga ka-KKK?” wika ni Andres.

Shookt ang fake Gobernador-General sa HOHOL ng mga dilawan sa Pugadlawin. Beast mode na talaga ang mga “temperamental brat”. Armado ng tabak, sumugod ang mga salot na raliyista sa mga berdugong guardia civil sa San Juan del Monte.

“Mga kasama, SLAAAAY natin sila. The struggle is real! YOLO para sa Filipinas!” sigaw ni Andres. “Para sa bayan! #SquadGoals,” sagot ng mga adik na rebolusyonaryo.

“Bae, ingat,” bulong ni Oryang. “Kailangan nang maghanda. Tiyak na maraming sugatan nito,” ani Melchora “Tandang Sora” AQUINO, aka Lugaw Queen, kasi ‘yon ang pinapakain niya sa mga pasyente.

Talo man sina Andres sa unang laban, ito ang simula ng pagkamit sa kalayaan.

Samantala, ang bias (sic) na Not A Journalist naman na si Apolinario Mabini ay panay sulat ng propaganda dahil wala siya sa aktuwal na bakbakan. Sabi niya, “I can’t even kaya dito na lang me sa crib. Proud pluma warrior, proud slacktivist. #FOMO.”

Umeepal din sa pag-share ng fake news si Emilio Jacinto, bayaran naman ng mga ilustrado sa Europa–na walang karapatang magbahagi ng opinyon “kasi wala naman kayo rito sa Pilipinas”. Stop destabilising and shaiming (sic) the Philippines, mga sinverguenza!

Tapos mema naman ‘tong si Felipe Buencamino na kunwari kampi sa rebolusyon pero Blancotard naman. “Ramon Blanco pa rin, mga ulol!” sigaw ng #NeverAgainst na loyalista.

Eh ‘di ‘yon, nagsimula na ang Rebolusyong Filipino. Hanggang sa dumating naman ‘yong mga “fuck you, US” na ‘yan at pinasok na ng mga Intsik pati ang Intramuros. Ang mga putang inang pisting yawa!

PS

Nilusob ng mga sakang na Hapon ang Pilipinas. Panay ang EJK nila at panggagahasa.

#JusticeForComfortWomen, #StopTheKillings at #NoToEJK, ‘yan ang sigaw ng mga gerilya laban sa mararahas na operasyon ng mga Hapon. Nagpa-one-time, big-time operation pa ang mga Hapon sa Bataan. Sad reacs onliii.

Tanong naman ng mga Makapili, “Nasaan kayong mga gerilya nang may minassacre ang mga Kano sa Bud Dajo, Bud Bagsak at Balangiga? USAFFE pa more!”

“Mga troll naman ‘yong mga Makapili kasi hindi nagpapakita ng mukha at kapag may pagtitipon sa plaza pito lang ang sumisipot,” sagot ng isang gerilya.

“Eh ‘di wow! Kayo na magaling!” buwelta ng Makapili.

At ‘yan ang maikling kasaysayan ng paghihimagsik sa Pilipinas. Tuloy lang ang laban, as in L na hand sign ha, parang sa Partido Liberal.