Huling Hininga

Ang tagal na rin nang huli kong makita si Lolo. Pinahina siya ng sakit noong sa Sampaloc pa siya nakatira. Nang sumasailalim na siya sa gamutan, humiling siya kanila Tita na sa bayan namin sa Abra siya mailibing. Malayo ang biyahe ngunit nakaya naman niya. Sa Manabo na siya iginupo ng kanyang sakit na glaucoma. Mula sa mata, nagkakomplikasyon na rin sa ibang bahagi ng katawan niya. Nakaratay na siya sa kama, naghihintay na lang ng oras. Hindi na siya nakakikilala ngunit nakatitiyak akong hinihintay niya kami bago siya tuluyang mamaalam. Umuwi kami ngunit nasa biyahe kami nang pumanaw siya. Mahirap tanggaping sa mga huling sandali ng kanyang buhay ay hindi namin siya nakasama.

Kaybigat sa dibdib na salubungin ang mahal mo sa buhay na wala nang buhay. Ang laki ng ipinagbago ng hitsura ni Lolo. Buo ang angkan namin para paglamayan siya. Kumpleto ang pamilya ngayong wala na siya. Kung bakit hindi kami hinintay ni Lolo, hindi ko alam. Ayos na rin siguro ‘yong namahinga na siya dahil malubhang sakit na ang nararamdaman niya. Pinakamasakit din sigurong nakikita niya ang mga nag-aalaga sa kanyang kamag-anak—mga anak niya’t apo—ngunit hindi naman niya makilala kung sino. Pisil na lang ng kamay at pagluha ang palatandaan ng pagkakakilanlan niya sa mga una niyang inaruga na ngayo’y kinakalinga siya.

Lolo, sana man lang ay nakapiling kita sa huli mong hininga.

Sa unang gabi ng pagkamatay ni Lolo, biglang nawalan ng kuryente. Ineembalsamo siya noon sa sala ng bahay—ganoon sa Manabo, sa bahay na inaasikaso ang bangkay dahil masyadong malayo ang sentro ng bayan. Patapos na ang embalsamo nang biglang nawalan ng ilaw. Kaydilim ng gabing iyon. Lahat kami ay nasa labas—wala namang gustong manood habang ineembalsamo ang katawan ni Lolo.

Habang nakikipagkuwentuhan sa mga pinsan ko, bigla akong inutusan ni Mama na kunin ang dede ng kapatid ko sa taas. Kung kailan walang kuryente, saka pa nag-iiyak ‘tong kapatid ko. Bilang panganay, wala akong palag kundi sumunod sa utos. Abala rin kasi si Papa na makipag-usap sa mga kapitbahay na nagsimula nang dumalaw nang malaman ang balitang patay na si Apo Lakay.

Ang dilim sa ikalawang palapag ng bahay. Sa labas nga madilim na dahil isa lang ang poste ng ilaw sa tapat ng bahay, paano pa sa loob, sa mismong kuwarto? Sa loob-loob ko, iniisip kong hindi naman ako dapat matakot sa multo—sa multo ni Lolo. Si Lolo ‘yon eh, bakit ako matatakot? Baka nga ‘pag nagpakita pa siya, maiyak ako’t yakapin ko siya. Kung puwede lang sana.

Hindi ko mawari ang aking nararamdaman habang hawak ko ang kandila’t paakyat sa hagdan. Sa sobrang dilim sa taas, ang kaya lang ilawan ng kandila ay ang mismong paligid ng aking mukha. Malamig pa ang simoy ng hangin dahil gabi na. Nahanap ko naman agad ang bote ng gatas kaya’t nagmadali na ko sa pagbaba.

Habang tinutunton ang hagdan, biglang namatay ang ilaw ng kandila. Hindi hangin ang may sala. Naramdaman ko sa aking pisngi ang pag-ihip ng hininga. Alam kong si Lolo ‘yon pero natakot ako’t nagmadali pa ring bumaba.

Ito siguro ang paraan ni Lolo para sabihing “hindi na kita nahintay kaya ito na lang, ang pagdampi sa’yong pisngi ng aking huling hininga.”

Hango sa kuwento ng aking pinsan. Isang bigong pagsubok na sumulat ng kuwentong katatakutan. Nagmistulang drama sa dulo.

10/18/17

How ‘Kayan Beauties’ showed the ugliness of society

This is not a movie review. Spoilers ahead.

My favorite film genre is tragedy: separated lovers, unrequited love, death, broken families, missing pets, solitude, depression, and whatever that makes the heart heavy–but not so much that I would cry.

I’ve watched Aung Ko Latt‘s ‘Kayan Beauties‘–my first Myanmar film. This is a cultural movie about the Kayan people–not Padaung, okay? Four village girls went to the city to sell their goods. One of them is Mu Yan, a lass who’s a first-timer in the city. Mu Yan was taken by human traffickers and the other girls did their best to find and rescue the damsel in distress.

The three were able to locate the human traffickers but not Mu Yan. By the time the Kayan girls and the police caught the suspects, Mu Yan is already on her way to Thailand where she will be a part of a “human zoo”–where long neck women are exploited to become tourist attractions.

I was expecting a happy ending–hoping that Mu Yan will be rescued because she’s too young, too innocent to experience such misfortune. She just wanted to see the city and flaunt her neck rings, yet what she saw was a place with no stars during nighttime, a place where people are considered as objects, a place where belongingness is a privilege.

During Aung Ka Lott’s Q&A, a grandpa asked him why he ended his film “with uncertainty”. The director said he made the conclusion sad to tell to the world that this happens–this harsh thing is a reality. Human trafficking is there and people suffer because of it. Then the grandpa said, “for me, you made the ending sad because you want people to be sensitive”.

There, the needle that pricked my heart. Indeed, it made me sensitive. During the parting scene of Mu Yan–hands tied beside her captor, she was crying while singing a traditional song about the Kayan people being unafraid even if they’re alone–I wished the car she’s in will stop. I wished that the movie is not tragic. I wished that this kind of abuse only happens on-screen.

Couples break, families shatter, and people die: these happen everyday–too normal to be heavy for me. That there are people like Mu Yan–innocent, young, hopeful–who see hell everyday, that’s unacceptable. For people to experience inhumanity because of other people, that is hard to take. It is beyond tragedy what victims of human trafficking are experiencing. Reality is beyond the movie. Today my senses were shattered by a crying girl, by the sombre truth that this world is sometimes ugly.

“Hollywood creates movies for the eyes. South East Asians, we create movies from the heart to the heart.” – Aung Ka Lott

Care to help some victims of human trafficking?

Si Mocha Uson bilang ka-DDS

Imbes i-educate ni Mocha ‘yong followers niya, she’s dumbing them down. Galing siyang UN, bakit ‘di siya mag-blog about “the relevance of the United Nations and globalization in domestic issues”?

Propagandista kasi siya ni Duterte and the last thing a propagandist will do is to heighten the discourse–to tell the truth and to intellectualize the masses.

Pumunta pa ko sa “blog” niya para makita kung may sinulat man lang ba siya na food for the ka-DDS’ brain. Wala! Panay share siya ng fake news sites–tapos ike-credit niya sa caption mainstream media para makalusot sa attribution. Kung ‘di naman fake news ise-share niya, opinionated and super-biased article naman na nagma-mask as news. Kaya nagiging rabid ang mga tao at ‘di ma-expose sa spectrum ng realidad dahil sa kasinungalingan at fabricated perceptions na binabahagi ni Mocha.

Kung siya nga naman mismo hindi critical thinker at hindi media literate, eh huwag na siguro tayong mag-expect ng malaki sa kanya. Kung siya ang “boses ng masa”, aba, marami ngang tanga sa bansa na lalo pang pinapatanga ng mga katulad niya.