Walang Imikan

20161114_192622-1[1].jpg

Ginutom ako ng kalungkutan,
Ng katahimikan
Bunsod ng nalalapit na paglisan
Ng ilang mga kaibigan.

Tingnan mo’t nakapinta
Sa kanilang mga mukha
Kung paanong mangulila
Ng hindi lumuluha.

Sa isang iglap
Ay nagbabago ang lahat;
Mas mabilis pa sa kidlat
Ang paglisang ‘di hinahanap.

1102