Iglesiang May Crisis ‘To!

jose-manalo

Naglalabasan ang napakaraming mga bigot tuwing usap-usapan ang isyu ng isang relihiyon. Ayos lang naman na mamuna pero kung ang isang tao ay lalaitin mo batay sa kanyang paniniwala, gago ka. Huwag manghusga batay sa pagkakaiba. Humusga ng may pang-unawa.

Sa isyu ng INC tungkol sa separation of Church and State, ito lang ‘yan. Kagaya ng ideyang walang nakahihigit sa Diyos, wala ring nakahihigit sa batas. Sabi nga, may batas ang Diyos at may batas din ang tao. Huwag dapat pagtakpan ang mga kasapi nilang may nagawang pagkakasala sa batas ng tao. Hayaang korte ang magpagulong ng kaso.

Jose Manalo Image Source
Jay Manalo Image Source

Advertisements

I’m Back, Bitches!

StraightOuttaSomewhere


Umaasa akong may isang tao, grupo o sinuman na magsasampa sa Korte Suprema ng katulad na apela kay Juan Ponce Enrile para naman sa ibang matatandang preso. Humanitarian reason daw ang dahilan kung bakit nakalaya si Enrile kahit pa non-bailable ang kanyang kaso. Aba! Ang daming matandang preso (na malamang ‘di pa tapos ang kaso) na uugod-ugod at sakitin, sila ba’y hindi rin aabutan ng “humanitarian” na tulong?

No’ng nakakulong, malubha na raw ang kondisyon. Nang nakalaya, aba’y ang sigla bigla. Imortal talaga ‘tong si Manong!

Background Image Source

Tugmata

Wala kong mababasang tula sa’yo ngayon
Dahil naiwan ko ang aking talaan—mga tula ko’y naroon
Tingnan mo na lang ang aking mga mata
Sa pagtitig mo lang dito, marami ka nang mababasa.

Habang naglalakad sa Ortigas.