Tara sa Dulo

Tara sa Dulo

Dahil ikaw ay naghihingalo na
At nakikita ko na ang iyong dila
Aking kaibigan, isusuko na kita
Dahil alam kong pagod ka na at kailangan nang magpahinga.

Kasa-kasama ka tuwing umuulan
Lumulusong sa baha at daang putikan
Anumang panahon ay ‘di ka nang-iwan
Kahit pa minsa’y ika’y aking nililisan.

Ngunit bumabalik naman ako
Para sa’yo’y makipaglaro
Lalakad, lulundag o tatakbo
Basta’t kasama ka, ligtas ang pakiramdam ko.

Ang sabi ko nga’y, “Malapit na tayo!”
Kahit ang patutunguha’y mas malayo pa sa Impyerno
Hindi ko rinig ang iyong mga reklamo
Pero alam kong malapit na nga ang dulo.

Salamat sa pagtitiis sa maraming taon
Ngayo’y oras na para bumalik sa kahapon
Sa tahanan mong payapa anumang pagkakataon
Makakapagpahinga ka na sa iyong lumang kahon.

1240523_4575702770511_815287469_n

Advertisements

That the night is dark, we will never know

That love is painful, She will never show

That hope is danger we will never throw

That life is night, love and hope.