#TruthForTheFallen44

PABAYAANI

Sagisag sa dibdib
‘Di ligtas sa bala
‘Di kalasag ng puso
‘Di kabayaran ng buhay.

Sagisag sa dibdib
Tanda ng kagitingan
Sa digmaang madugo
Alay-buhay para sa bayan.

Sagisag sa dibdib
Pinabayaan ka ng Pangulo
Hugas-kamay kagaya ni Pilato
Sa konsensya, walang hugas, walang santo.

Sagisag sa dibdib
Bayani ka namin
Wala kang takot, walang reklamo
Walang hugas ang dugo.

Para sa mga napabayaan. Para sa mga Bayani.

villamor-arrival-honors-saf-mamasapano-20150129-007

Photo by Dennis Sabangan/EPA

Naninindig ang aking mga balahibo sa tuwing makikita ko ‘yong hilera ng mga kabaong na nababalutan ng bandila ng Pilipinas. Nanlalambot din ang aking puso sa pagbabasa ng istorya ng nakaligtas sa massacre. Inalayan sila ng Heroes’ Welcome ngunit ‘di man lang nila maririnig ‘yong yabag ng mga paa ng kapwa nila pulis na nagbubuhat sa kanilang kabaong; hindi nila alam na tinutugtugan sila ng mabagal at malungkot na musika mula sa trumpeta; at, lalong bingi sila sa iyak ng kanilang iniwang mga mahal sa buhay. Patay na sila’t walang laban. Patay na nga’t lalo pang pinapatay sa kawalan ng solidong tugon mula sa mga kinauukulan. Nakapanghihinang tila wala kong magawa kundi magmasid. Umasa. Mangulila. Sa isang bansang maraming bayani, kakaunti lang ang tunay na nakauunawa na hindi lang buhay ang nawala—prinsipyo, dangal, ama, asawa, anak, kapatid, kasama…

Advertisements

One thought on “#TruthForTheFallen44

  1. Prayers for there soul our herous Oh Lord JESUS CRIST GOD OF ALL. Please accept your soldiers in your kingkom for us people . Who gives there life and succrifices to protect us from harm other people selfish. We pray for them also to open up there minds for peace and unity for the futures. AMEN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s