Utang na Loob

Matindi ang pangangailangan mo noon
Lumapit ka sa akin at humingi ng tulong
Agad ko namang pinanatag ang iyong loob
Handa akong tumulong para ika’y maalo.

Sabi mo’y kailangan mong mangutang
Sabi ko’y gagawa ako ng paraan
Sabi mo’y puso ko ang iyong kailangan
Sabi ko’y utang na loob itong mahirap bayaran.

Leave a comment