Youthalks (November 26, 2013)

uReport – OLDEST LIVING FILIPINO FISHERIES SCIENTIST

Pinarangalan ng Society of Aquaculture Engineers of the Philippines, Inc. (SAEP) at ng Philippine Aquaculture Society, Inc. (PAS) si Herminio Rabanal, 96 years old at taga-Alaminos, Pangasinan na siyang oldest living o pinakamatandang Filipino fisheries scientist.

Binigyan si Rabanal ng katangi-tanging pagkilala dahil sa pagiging isang dakilang leader at dedicated na taga-pagsimula ng mga layunin ng SEAP at PAS. Siya ay naging bahagi ng mga nasabing grupo simula oa noong 1985. Si Rabanal ay graduate ng Fisheries sa UP; nag-Masteral ng Marine Biology sa Harvard University; at, nag-Doctorate ng Fisheries Management sa Auburn University.

Naging miyembro at kawani rin siya ng maraming local at international organizations gaya ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations (UN). Siya ay nakapagsulat na rin ng maraming libro.

uAsk – TOP 10 Urban Legends that Drove Pinoys Crazy (www.spot.ph)

Urban Legend – isang humorous o horrific story o kaalaman na kumakalat sa madla na maaaring wala naming katotohanan. Ito ay madalas mapag-usapan at mapasa sa kung sinu-sino na lamang.

  1. Sigbins are the cure for AIDS – 1990 – Ang sigbin ay isang aswang daw mula sa Visayas o Mindanao. Ito ay isang halimaw na parang kangaroo na naglalakad ng patalikod, kayang paabutin ang ulo sa pagitan ng kanyang mga hita, nagbubuga ng mabahong amoy at kayang ipalakpak ang tenga. Ito raw ay lumalabas tuwing Holy Week at nangunguha ng mga puso ng bata. Sa paininiwalang ang dugo, langis o karne ng sigbin ay nakagagamot ng AIDS, maraming tao raw ang nag-sigbin hunting.
  2. Manananggal causes panic in Tondo – 1992 – May natagpuan daw na manananggal ang mga residente. Ito ay nagdulot ng panic at takot sa mga tao. Ayon sa kwento, ang manananggal daw ay sakay ng barko pa-Siquijor ngunit nastranded daw sa Maynila.
  3. Tide is the devil’s detergent – 1980 – Ayon sa urban legend, ang logo raw ng kumpanyang Procter and Gamble (P&G) ay satanic at ang porsyento raw ng kinikita ng kumpanya ay napupunta sa Church of Satan. Ayon sa sabi-sabi, may mga hidden satanic symbols daw gaya ng 666 sa logo ng P&G. Pinabulaanan naman ito ng P&G at sinabing ginawa lamang ito para siraan daw ang kanilang kumpanya.
  4. AIDS patient injects moviegoers with his blood – 1990 – Sa mga sinehan daw sa Megamall ay may isa raw lalaki na hahawaan ka ng AIDS sa pamamagitan ng biglaang pag-injection niya sa’yo. Matapos ka raw niyang mahawaan, dali-dali naman siyang mawawala. May iba oang version nito: may mga nakadikit daw na injection sa mga silya sa sinehan na pag-upo mo ay matutusok ka at mahahawaan ng AIDS.
  5. A jellyfish attack causes a Luzon-wide black-out – Dec. 10, 1990 – Mayroon daw mga higanteng jellyfish ang nastranded sa isang power plant sa Luzon na nagdulot ng black-out sa buong isla. Maraming naniwala rito dahil naibalita pa ito sa BBC. Hanggang ngayon, wala naming matibay na ebidensya na ito’y nangyari.
  6. Jose Rizal is Adolf Hitler’s father – Dahil sa madalas na pagdayo ni Rizal sa Europa, kabilang na ang Austria, marami ang kumagat sa istoryang anak ni Rizal si Hitler. Mayroon daw kasing pagkakahawig ang dalawa. Kinontra naman ng mga historian ang kwento at sinabing imposible ito dahil hindi tugma ang mga date ng birthday ni Hitler at ng pagdating ni Rizal sa Austria.
  7. The San Juanico Bridge has a blood foundation – Ayon sa sabi-sabi, nang ginagawa raw ang pinakamahabang tulay sa bansa ay nag-alay ng maraming mga palaboy na bata sa mga anito. Ginilitan daw ang kanilang mga leeg para ialay ang dugo at saka sila itinapon sa ilog. Ang nagpautos daw nito ay si Imelda Marcos. Nang Makita raw ng diwatang naninirahan sa ilog ang mga nangyari sa bata, siya raw ay nalungkot at nagalit kay Imelda kaya sinumpa niya itong mangamoy isda at magka-kaliskis sa paa. Kaya ngayon daw ay laging nakapaldang mahaba si Imelda dahil sa sumpa.
  8. Cortal + Coke = Abortion – Ayon sa kwento, kapag ang Cortal (aspirin) at Coke raw ay pinagsama, maaari raw itong magamit sa abortion dahil madali nitong malalaglag ang sanggol sa sinapupunan. Hanggang ngayon naman ay walang malinaw na ebidensya sa nasabing kwento.
  9. Bongbong Marcos isn’t himself – 1970-1980 – Ayon sa kwento, isa raw peke ang nakikita nating Bongbong ngayon dahil ang tunay na Bongbong daw ay maaaring namatay sa London no’ng teenager pa siya; sa isang aksidente sa Maynila; o, sa kidnapping sa Mindanao. Ang Bongbong daw na nakikita natin ngayon ay pinsan lamang niya.
  10. Robinson—half-man, half-snake—terrorizes pretty mallrats – 1990 – May mga kwento na ang pamilya Gokongwei ay itinayo ang Robinson’s para maging tahanan ng kanilang anak na mutant na kalahating tao at kalahating ahas. Maraming nagsasabing nakikita nila ito sa loob ng department store sa mga fitting room. Nambibiktima raw ito ng mga saleslady at bata at na-in love pa nga raw ito sa aktres na si Alice Dixson. Ang naturang ahas ay kakambal daw ni Robina Gokongwei-Pe ngunit ito naman ay kanyang pinabulaanan.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s