Youthalks (November 21, 2013)

uReport – LINAPACAN ISLAND, PALAWAN

Nanguna ang Linapacan Island sa “35 Clearest Waters in the World to Swim In Before You Die” ng American news site na Daily News Dig noong Oktubre 19, 2013. Tinalo ng Linapacan Island ang iba pang mga isla mula sa Europa at Timog Pasipiko.

Ayon kay Scott Sporleder, ang maliit at malayong isla ay may “super clear water” na sa sobrang linis at linaw ay nagmumukhang mababaw lamang ang karagatan sa paligid nito. Tila isang malaking aquarium ang paligid ng isla sapagkat kita mo ang mundo sa ilalim ng katubigan.

uAsk – Ang Pinaka-Awkward Social Moments (Ang Pinaka)

  1. Dress Up As Twins – May kapareho ka ng damit sa school, event o kahit sa jeep! Awkward! Pero mas awkward ‘pag pumunta ka sa evebt o bahay ng iba at kapareho ng damit mo ang design ng mantel ng mesa o kurtina.
  2. Hug na Huwag – Namiss mo ng todo ang isang tao at nang magkita na kayo ay gusto mo siyang ihug. Akmang iha-hug mo na siya pero siya, ayaw niyang ihug ka. Awkward! Itutuloy mong yakapin siya o hindi?
  3. Whose Fault Is It? – May nagawa kang kasalanan na obvious na ikaw ang may gawa at alam ng lahat na ikaw ang may sala. Aaminin mo ba, magso-sorry o sisisihin ang iba? Awkward.
  4. Laugh Out Loud – May joke na ikaw lang ang natawa. As in tawa kung tawa kahit ‘yong iba, hindi natatawa. Halimbawa sa sinehan, ikaw lang ang natawa sa eksena. Awkward!
  5. Surprise Encounter with your Ex – AWKWARD. ‘Di na kailangan i-explain pa. Lalo na ‘pag sa elevator.
  6. Foot-In-Your-Mouth – Saying something that you regret. Lalo na ‘pag nakakasakit at medyo offensive. Halimbawa, pinag-uusapan niyo ang isang tao at biglang nasa likod mo na pala siya.
  7. Push or Pull – Tulak o hila sa pinto? Awkward ‘pag mali ka at humaba ang pila dahil sa’yo.
  8. Mistaken Identity- Tinawag mo ang pangalan niya, paglingon, hindi pala siya. Lalo na ‘pag hinawakan o kinalabit mo siya.
  9. Mistaken Baby Bump – Kinamusta mo kung ilang buwan na dinadala niya o kalian ang kabuwanan. Tapos ‘di pala siya buntis.
  10. Missent Text – Na-wrong send ka sa taong pinag-uusapan niyo ng katext mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s