Youthalks (November 19, 2013)

uReport – TULANG DIYOT ISLAND

Bumawi naman tayo mula sa masaklap na trahedya na naganap sa Visayas dulot ng bagyong Yolanda.

Alam niyo ba na ang Tulang Diyot Island, isang maliit na isla sa pagitan ng Cebu at Leyte, ay kinilala ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR) bilang role model for disaster risk reduction.

Sa katunayan, sa nakaraang hagupit ni Supertyphoon Yolanda, walang nasawi sa mahigit isang libong resident eng nasabing isla sa kabila ng pagdaan sa kanila ng bagyo. Bagama’t nasira lahat ng mga bahay at Bangka ng mga residente, naiwasan pa rin ang pagkalagas ng buhay dulot ng maagang paglikas na isinagawa ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Alfredo Arquillano, dating Mayor ng bayan ng San Francisco na kinabibilangan ng Tulang Diyot Island, laging may disaster preparedness drill na isinasagawa ang mga residente taun-taon kaya sila ay handa sa kahit anumang panganib at sakuna.

Pinapakita ng isla na ang maagang paghahanda sa mga sakuna ay sadyang napakahalaga. Kaya nawa’y magsilbing halimbawa sa buong Pilipinas ang pinatunayan ng Tulang Diyot Island nang sa paglaon ay mas kaya nang labanan ng mga Pilipino ang anumang bagyo na iharap sa atin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s