Youthalks (December 6, 2013)

uReport – PINAY STUDENT NAGKAMIT NG WORLD RECORDS SA MEMORY GAME

Hawak pa rin ng 12 taong gulang na si Jamyla Lambunao, Grade 7 mula sa St. Scholastica’s Academy Marikina, ang pangalawang pwesto sa Kids Division ng 2013 World Memory Championship. Hindi lamang ‘yan, tinibag din ni Lambunao ang dalawang world record sa ginanap na pagalingan ng memorya noong Disyembre 2 sa London.

Tulad noong isang taon, inuwi pa rin ni Lambunao ang silver medal para sa Pilipinas sa nasabing torneyo. Nabasag ni Lambunao ang world 12-under record sa Random Words event kung saan nakapagmemorya siya ng 151 words sa loob ng 15 minuto at Speed Numbers event kung saan nakabisado niya ang 206 numbers sa limang minuto lamang.

Inagaw ni Lambunao ang record mula kina Lara Hick ng Germany na nakapagtala ng 70 words noong 2005 at Hu Xinyun ng China na nakapagtala naman ng 202 words noong 2010.

Bukod sa dalawang gold medal sa mga nasabing event, nag-uwi rin si Lambunao ng apat na pilak at tatlong tanso sa mga event na Abstract Images, One-Hour Cards at One-Hour Numbers.

uAsk – LECHONG BUWAYA

Alam niyo na ba na mayroon nang mabibiling lechong buwaya sa Pilipinas?

Tama ang dinig niyo. Hindi na lamang mga bag, belt o sapatos na gawa sa balat ng buwaya ang mabibili sa Pilipinas dahil pwede ka na ring mabusog sa paglantak ng lechong buwaya. Ang lechong buwaya ay isa sa mga bagong pagkain sa menu ng Coral Agri-Venture Farm, Inc. (CAFVI) na mayroong alagang 15,000 na buwaya sa kanilang farm sa Teresa, Rizal.

Ang presyo ng lechong buwaya ay pumapalo mula sa PhP8,000-PhP10,000. Ayon sa CAFVI, ito raw ang kauna-unahang unique at exotic lechon sa bansa. Ang buwaya ay nilechon kagaya rin ng pagle-lechon sa baboy. Malasa raw ang karne ng lechon at mababa raw ang fat at calorie content nito ngunit mataas naman sa protein.

Bukod sa lechong buwaya, ang CAFVI ay nago-offer din ng iba pang pagkaing hango sa buwaya gaya ng hotdog, burger, patties, sisig, Bicol express, crispy pata, tocino at tapa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s