Techie Lang: Google Glass

Matapos ang pagpapakilala ng Google sa publiko ng high-tech na Google Glass, kasalukuyan ngayong pinag-aaralan at ginagawa ng kumpanya ang isang temporary electric tattoo na idinidikit sa lalamunan ng gagamit nito.

Ang Motorola Mobility na pagmamay-ari ng Google ay nag-file na ng patent kamakailan para sa nasabing teknolohiya na kung tawagin nga ay electronic skin tattoo na pwedeng maidikit sa throat region o lalamunan ng isang tao.

Ayon sa patent, ang nasabing electronic tattoo ay may kakayahang makipag-communicate o kumonekta sa mga smartphone, gaming devices, tablets at maging sa Google Glass. Kayang makakonekta ng tattoo sa mga nabanggit na devices sa pamamagitan ng Bluetooth na may kasamang mikropono at power source. Sa tulong ng makabagong teknolohiya na ito, maaari nang makapag-communicate ang tao sa mga devices sa pamamagitan lamang ng voice commands at hindi na kailangan pang gumamit ng earpiece o Glass headset.

Hindi lamang limitado ang kakayahan ng electronic tattoo sa pag-konekta sa mga gadget o devices sapagkat inaasahan din na sa hinaharap, maaari na rin itong magamit bilang lie detector.

Ayon nga sa patent, ang electronic skin tattoo ay posibleng malagyan ng galvanic skin response detector na magpapakita kung may skin resistance ang isang indibidwal sa tuwing siya ay nagsasalita o nakikipag-usap. Ang isang indibidwal ay pinaniniwalaan kasing nagsisinungaling kung siya ay ninenerbyos at ang mga ganito ngang reaksyon ay kayang mabasa ng electronic tattoo sa pamamagitan ng galvanic skin response.

Ang electronic tattoo ay halos kasinglaki lamang ng selyo o Band-Aid. Maaaring ilagay ang naturang tattoo sa lalamunan ng tao sa pamamagitan ng pagdidikit nito sa bandang leeg gamit ang makapit na adhesive o ‘di kaya’y ilalagay ang tattoo sa isang collar saka ito ikakabit sa leeg.

Ang high-tech na electronic tattoo ay kayang tumanggap ng incoming at ourgoing calls at hindi lamang iyon, kaya rin nitong gawing malinaw ang bawat usapan kahit pa maingay sa inyong kinapu-pwestuhan. Bukod pa riyan, sa pamamagitan din ng electronic tattoo ay pwede na rin kayong makinig ng malinaw sa music kahit walang earphone.

Maliban din sa mga tao, ang electronic tattoo ay applicable rin sa ating mga alagang hayop.

Ang mga produkto nga ng Google na Google Glass at ito ngang electronic tattoo ay ang nagpasimula ng mabilisang pag-usbong ng mga wearable tech. Ang nabanggit na Google Glass ay isang wearable computer na parang isang smartphone kung saan ang user nito ay maaaring mag-text, mag-internet, mag-picture at gumamit ng mga apps. Lahat ay posible nang hindi ginagamitan ng kamay!

Sa mga naunang puna sa Google Glass ng mga field testers, hindi raw gaanong maganda ang sound system nito. Kaya naman para maresolba ang mga reklamong ito, nariyan na nga’t ginagawa ang electronic tattoo na mag-iimprove sa sound system ng Google Glass.

Ang iba pang mga wearable tech na nagsulputan na ay ang mga smartwatches ng mga kumpanyang Samsung at Sony. Ang mga computer giants na Google, Apple at Microsoft ay inaasahan na ring maglalabas ng kani-kanilang bersyon ng mga smartwatch.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s