Lutolicious: Pinatisang Manok

Ang Pinatisang Manok o Chicek stewed in Fish Sauce ay isang kakaibang putahe. Ayon nga sa cookbook na Kulinarya, ang patis ay hindi kalimitang ginagamit bilang main ingredient o flavoring dahil mas pangkaraniwan itong ginagamit na condiment o pampalasa.

Sa pagsasama ng dalawang masarap na pagkain, ang manok at ang patis, siguradong maraming tao ang magugustuhan ang putaheng ito. Ang chicken stew ay mainit at masarap higupin dahil sa mataas na kalidad ng patis at sa pinong lasa na rin ng binateng itlog. Ang broth naman ay nagdagdag ng lasa. Samahan niyo lamang ng mainit na kanin, siguradong ang putaheng ito ay perpekto at nababagay sa ating malamig na panahon.

Isa lamang paalala, gumamit lamang po kayo ng patis na mataas ang kalidad para mas masarap ang lasa. Ayon sa mga may-akda ng Kulinarya, mas maiging gamitin ang premium patis o purong patis. Gaya kasi ng olive oil, ang mga nabanggit na uri ng patis ay puro, maganda ang golden na kulay at higit sa lahat, malasa pa at maaroma.

 

Good Eats

Pinatisang Manok
Mula sa Kulinarya: A Guidebook to Philippine Cuisine

Mga Sahog:

700g ng manok (leg quarters) na hiniwa ng pa-drumstick at pa-binti

1 nilagang itlog

1 1/2 cups chicken broth

120g ng luya, hiniwa ng pahaba

120g ng dahon ng sili, tinanggalan ng tangkay at nilinisan na

2 tbsp vegetable oil

2 tbsp fish sauce

Paraan ng Pagluluto:

Sa isang kawali, painitin muna ang mantika sa medium high heat hanggang sa ito’y bahagya nang kumulo. Igisa ang luya hanggang sa ito’y bumango. Ilagay ang mga manok at patis. Lakasan ang init ng apoy sa high at lutuin ang manok hanggang sa ito’y maging golden brown.

Ilagay ang chicken broth sa kawali at magtira ng kaunti. Pakuluan ang broth sa loob ng dalawampung minuto o hanggang sa lumambot na ang manok.

Sa isang mixing bowl, batehin ang itlog at ilagay ang natirang chicken broth. Kapag ang mixture ay parang paste o pandikit na, idagdag na ito sa pinakuluang chicken broth. Alisin ang manok mula sa lutuan at saka ilagay ang mga dahon ng sili. Tikman ang broth at idagdag ang natitira pang patis kung kinakailangan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s