LUTOLICIOUS: Paellitos Negritos

Sawa na ba kayo sa nakaugalian niyong paraan ng pagluluto ng paella? Pwes, bakit hindi niyo subukan ang isang kakaibang istilo ng pagluluto nito na imbes na manok ang gagamiting main ingredient ay gagamit kayo ng pusit. Ito ang panibagong recipe na maidadagdag niyo sa inyong hapag-kainan, ang Paellitos Negritos!

Mga Sahog:

Kalahating kilo ng pusit na may habang tatlong pulgada

2 kutsarang Worcestershire Sauce

5 pirasong dinikdik na bawang (‘yong clove)

3 tasa ng fish o vegetable stock

Kalahating tasang white wine

1 rolyo ng aluminum foil

Isa’t kalahating tasa ng luto nang long grain rice (cooked long grain rice)

¼ na tasa ng olive oil

Asin at paminta

 

Paraan ng Pagluto ng Paellitos Negritos

  • Balatan at linsin ng maigi ang mga pusit. Tanggalin ang mga tinta nito at pansamantalang itabi.
  • Sa kawaling may kumukulong mantika, igisa ang pre-cooked long grain rice na may bawang, white wine, asin at paminta.
  • Idagdag ang pusit. Pwede itong hiwain ng pabilog o ring o hindi kaya’y ilagay ito ng buo.
  • Kapag luto na ang pusit, hanguin ito pansamantala saka ilagay ang fish o vegetable stock.
  • Idagdag ang mga itinabing tinta ng pusit. Haluin  nang maigi para kumapit ang tinta sa kanin. Idagdag ang Worcestershire Sauce.
  • Maghilera ng mga tasang paglalagyan ng niluto. Ibalot ito ng maigi sa Aluminum Foil. Ilagay dito ang nilutong pusit at kanin.
  • Ibake ito sa loob ng 10 minuto sa oven sa init na 350°F.

Siguradong mabubusog na ang apat na tao sa bagong pagkain na inyong natutunan.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s