Kakaibang Wedding Proposal

Naging laman ng balita ang isang hostage-taking na nangyari sa isang restaurant sa Quezon City noong gabi ng Nobyembre 23, 2013. Ang nasabing hostage-taking ay nakunan pa ng video at nagging viral na sa mga social networking sites.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, ang naturang hostage-taking ay isang wedding proposal pala. Ang video na inupload sa Youtube ni Tootoots Leyesa ay umabot na sa 129, 111 views habang sinusulat ang balitang ito.

Nagsimula ang eksena habang naghahanap ng mabibili ang magkasintahang sina Calvin Leorna at Annabelle Jay-Ar Trono sa restaurant nang may armadong lalaking nagtata-takbo’t hinahabol ng mga pulis ang bigla na lamang pumasok sa restaurant na kinaroroonan ng magkasintahan.

Pagpasok ng hostage-taker, na ginanapan ng film actor na si Leon Miguel, hinila niya ang boyfriend at kanya itong binihag.

Nagmakaawa si Leorna at sinabing wala naman silang ginagawang masama at nagbabalak lang silang kumain ng kanyang kasintahan. Nagmakaawa pa si Leorna sa hostage-taker at sinabing pabayaan na sila sapagkat hindi pa nga niya napapakasalan ang kanyang girlfriend.

Ikinagalit ng hostage-taker ang narinig at sinabihan na lamang ni Trono ang kanyang boyfriend na manahimik na lamang. Tinulak ng hostage-taker si Leorna sa harap ng kanyang girlfriend at inabutan ito ng singsing. Nagpasalamat si Leorna sa hostage-taker at tinanong pa nito kung pwedeng hulugan na lamang niya ang binigay na singsing.

Pagkaluhod ni Leorna, saka na ito nagpropose habang sinasabi ang mga salitang: “It has been a roller coaster ride for the past four, five years for us… I don’t know the perfect timing for this, but I think right now is the right time for this — to ask you: Will you be my partner in case of a zombie apocalypse? May I have the honor to be your husband? Will you marry me?”

Sumagot naman ang kanyang girlfriend ng oo at saka na naglabasang pumapalakpak ang maraming tao bilang tanda na nagwakas na ang pekeng hostage-taking at opisyal nang engaged ang magkasintahang mahigit apat na taon nang magkarelasyon.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s