Great Trips Outside Dumaguete

Bagama’t unti-unti nang sumisikat sa mga dayuhang turista ang kagandahang taglay ng Negros Oriental, ang iba namang tanawin ng probinsya, maliban sa Dumaguete City, ay hindi pa rin lubusang nakikilala ng mga lokal na turista.

Sa hilaga lamang ng Dumaguete ay matatagpuan ang Bais City na kayang marating sa loob lamang ng isang oras. Ang Bais City ang jump-off point ng mga turistang nais sumakay sa mga bangkang maghahatid sa kanila sa mga itinatago pang kagandahan ng probinsya. Ang mga regular na bangka na marerentahan sa halagang PhP2, 500 lamang ay kaya nang magsakay ng 15 katao. Samantalang ang mga mas malalaki namang bangka  na mayroon pang videoke ay marerentahan sa halagang PhP5, 000 lamang at kaya nang magsakay ng 60 katao. Sa pamamagitan ng tour package, mararating niyo na ang mga natatanging lugar ng Manjuyod Sandbar at Bais City Bird Sanctuary and Mangrove Park.

Maaari niyong simulan ang inyong araw sa pagbisita nakabibighaning isla ng Manjuyod na mayroong mala-polvoron na buhangin sa sobrang kaputian nito. Ang mala-paraisong isla ay malayo sa kabihasnan at mga modern luxury kaya tiyak na makakapag-relax kayo rito. Mayroong mga cottage rito na maaaring magamit ng mga turistang nais mag-overnight stay. Siguradong makakapag-relax kayo sa dalampasigan ng Manjuyod o ‘di kaya’y magtampisaw naman sa malinis at malinaw na karagatan habang ninanamnam ang picturesque view ng mapunong kabundukan sa inyong paligid.

Maliban sa pag-stay sa mala-paraisong beach, maaari rin kayong mag-dolphin at whale watching sa karagatan ng Manjuyod. Kailangan mo lamang magbayad ng additional fees para maisama ito sa inyong itenirary. Sa Tañon Strait ang perfect spot para mag-dolphin watching samantalang perfect time para mag-whale watching ang mga buwan mula Marso hanggang Oktubre.

Isa pang kaaya-ayang lugar na pwedeng mabisita sa Negros Oriental ay ang Bais City Bird Sanctuary and Mangrove Park. Ang nasabing park na ipinatayo ng lokal na gobyerno ay itinuturing na ngayong sanctuary kung saan matatagpuan ang iba’t-ibang specie ng mga endemic birds at iba pang wildlife.

Kung gusto niyo namang makakita ng mas marami pang wildlife at greenery, maaari kayong mamasyal sa Twin Lakes National Park. Itinatago ng parkeng napalilibutan ng kagubatan at kabundukan ang napakagandang Lake Kabalin-an. Makikita sa Lake Kabalin-an ang mga punong tila nakalutang sa tubig, bukod pa sa ipinagmamalaki nitong twin crater lakes. Mula sa unang crater lake na Lake Balinsasayao, pwede kayong mag-hiking sa trail kung saan makakakita kayo ng napakarami at iba’t-ibang klase ng wild plants, ibon at hayop. Pwede naman kayong mag-kayak o mag-balsa sa ikalawang crater lake na Lake Danao at mabighani sa daraanan niyong green waters pabalik sa Lake Balinsasayao.

Kung gusto niyo pa ng mas enjoyable pang mga outdoor adventure, magtungo lamang sa bayan ng Valencia sa timog-kanluran ng Dumaguete City. Matatagpuan sa bayang ito ang Mt. Talinis, ang second highest peak sa Negros Oriental. Ang bayan ng Valencia ay hitik din sa mayayamang kagubatan at malilinis na waterfalls.

Isa sa mga waterfalls dito ay ang napakataas na Casaroro Falls na pinalilibutan ng naglalakihang mga bato at mayabong na kagubatan. Kailangan niyo nga lang mapagod at pagpawisan ng unti bago niyo marating at makita ang itinatagong ganda ng talon. Bago kasi marating ang talon, kailangan niyo muna kasing tapusin ang 335 steps patungo rito. Ingat lamang sapagkat delikadong maligo sa paligid nito dahil sa mga bato. Kung ayaw niyo namang maglakad at mapagod, maaari naman kayong magtungo sa mas madaling puntahan na Pulang Bato Falls kung saan ang trail patungo rito ay nagbubuga ng sulfur steam.

Ang Negros Oriental ay isang safe haven na naghahandog ng walang-katapusang mga opportunity para sa leisure at adventure. Hindi na isang palaisipan pa kung bakit gusting-gusto ng mga turista ang probinsyang ito.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s