GALING PINOY – CHINO ROQUE

Matapos ang mahigit tatlong araw ng pagsasanay sa AXE Apollo Space Academy (AASA) Space Camp, si Chino Roque ay opisyal nang idineklara bilang kauna-unahang Pilipinong makakarating sa kalawakan. Ang sikat na astronaut pa mismo na si Buzz Aldrin ang nag-anunsyo ng pagkapasa ni Chino sa Space Camp.

Ang 22-taong gulang na si Chino ay graduate ng Psychology sa De La Salle University (DLSU) at kasulukuyang nagta-trabaho bilang fitness trainer. Kasama ang 24 na iba pang mga kalahok, si Chino ay lilipad pakalawakan sa 2015 sakay ng Space Expedition Corporation shuttle at mananatili roon sa loob ng 30 minuto. Dinaig ni Chino sa air combat training, G Force training at assault course ang dalawang iba pang Pilipino na sumabak rin sa parehong training na sina Evan Ray Datuin at Ramil Santos.

Si Chino ay lumipad sa Estados Unidos para magsanay sa five-day intense astronaut training kung saan sumabak sila sa mga test at pagsasanay na ginagawa ng mga propesyonal na astronaut ng National Aeronautics and Space Administration (NASA). Kasama ang dalawa pang kapwa Pinoy, nakipagtagisan sila ng galing sa 107 iba pang mga kalahok mula sa 160 bansa.

Ang makasaysayang pagkapanalo ni Chino ay hindi lamang nagbigay karangalan sa Pilipinas kundi nagbigay inspirasyon din sa mga Pilipino. Ayon kay Chino, ang kanyang tagumpay ay kanyang inaalay unang-una sa Diyos, sa kanyang mga kababayan at higit sa lahat sa kanyang pamilya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s