GALING PINOY: KAREN TUASON

Isang Pinoy, sa katauhan ni Karen Tuason, ang kinilala ng buong daigdig bilang isa sa may successful entrepreneurial stories sa mundo.

Si Karen ay kinilala ng Global Landscapes Forum sa Warsaw, Poland dahil sa kanyang imbensyon na naglalayong turuan ang mga magsasaka ng mga makabagong farming methods at technologies upang dumami ang kanilang ani at tumaas ang kanilang kita.

Si Karen, na miyembro ng Task Force Mapalad (TFM), isang agrarian reform group na sumusuporta sa mga magsasaka sa Visayas at Mindanao sa kanilang land tenure claims, ay kasama sa labing-isang (11) young entrepreneurs na kinilala dahil sa kanilang pagsisikap na makamit isang ang sustainable landscape. Pinangunahan ni  Karen ang pagbibigay ng funding at technical assistance sa mga magsasakang edad 40 pababa sa pagsisiguro ng sustainability sa kanilang mga sakahan.

Ang mga nasabing “young Filipino farmers” ay hinihikayat ni Karen na paramihin ang kanilang mga tanim at nang ito’y mailabas nila sa merkado. Sila ay tinuturuan din ni Karen ng mga sustainable farming techniques upang ‘di na sila gumamit pa ng maraming fertilizer sa kanilang sakahan at nang maiwasan na rin nila ang pagtatanim ng mga pananim na ‘di angkop sa kanilang sakahan.

Ang nasabing proyekto ni Karen ay bahagi ng kaniyang pagsuporta sa agrarian reform sa bansa na para sa kanya ay patuloy na hindi nakakamit ang tagumpay.

Ayon kay Karen, ang mga batang magsasaka ay sabik sa pagsubok sa mga makabagong farming techniques. Aniya, gustong-gusto ito ng mga magsasaka lalo na kung malaki ang maia-ambag nito hindi lamang sa kanilang kita kundi sa ekonomiya na rin ng bansa.

Hindi hinihikayat ni Karen ang mga magsasaka na gumamit ng fully organic farming techniques bagkus, hinihikayat niya ang mga ito na gumawa ng paraan upang mabalanse nila ang paggamit ng isang farming method na maganda ang kalidad at mataas din ang kikitain.

Ayon pa sa kanya, mahalagang mabigyan ang mga batang magsasaka ng tulong dahil karamihan sa kanila’y kumukuha lamang ng mga kaalaman sa pagsasaka sa mga nakatatanda. Dahil ang mga matandang magsasaka ay luma o walang kaalamang nalalaman sa mga bagong paraan ng pagsasaka, kailangan ng makabagong henerasyon ng updating sa kanilang natutunan.

Ang proyekto ni Karen kasama ang TFM ay hindi lamang tumutulong sa pag-modernize sa mga magsasaka kundi nakakatulong din sa kanilang harapin ang mga hamon ng climate change. Ayon nga sa mga scientist, asahan na ang pagdating ng mas marami pang mala-Yolandang bagyo sa mundo.

Ang mga magsasaka sa Pilipinas ay sadyang madalas mabiktima ng mga bagyo at tagtuyot kaya pinangunahan ni Karen ang pagtulong sa kanila sa paghahanda laban sa sakuna. Ang mga maliliit na magsasaka na maswerteng nabiyayaan na ng lupa sa ilalim ng agrarian reform program ay ‘di pa rin mapalad pagdating sa pag-iwas sa mga sakuna dulot na rin ng kakulangan nila ng kaalaman at pera pagdating sa pagprotekta sa kanilang mga pananim.

Sabi pa niya, kahit pa mayroong sariling lupa ang mga magsasaka, hindi umano ito sapat upang mapaunlad ang kanilang buhay kung wala naman silang sapat na kaalaman sa pangangalaga nito. Ang pangangalaga sa pananim ay mahalagang aspekto ng pagsasaka sapagkat ang magandang ani ay magdudulot ng magandang kita at ng magandang buhay.

Si Karen ay naging instrumento ng pagbabago hindi lamang sa buhay ng mga magsasaka kundi sa kinabukasan ng agrikultura sa bansa.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s