Book Review: Birdflight

Ang librong Birdflight ay tumatalakay sa napapanahong usapin tungkol sa ating kalikasan, lalo na sa mga endangered na ibon. Ito ay nagpapakita rin ng kahalagahan ng mga values patungkol sa pakikipagkasundo o compromise, teamwork at pagiging maparaan o resourcefulness.

Ang kwento ng libro ay mabilis lamang. Ang paglalarawan o description style ng kwento ay tamang-tama lamang sa paglalahad o narration style na ginamit sapagkat pinabagal nito ang aksyon. Sa ganitong paraan, ang mga environmental issues ay naisasama ng maayos sa istorya. Halimbawa, sa pamamagitan ng paglalarawan na maraming problemang kinahaharap ang mga ibon sa kanilang pagtakas, nalalahad na  nagsisilbing threat ang city life sa mga ibon.

Ang mga likas na ugali ng ibon ay naipakita at nagamit ng maayos sa paglalahad ng naturang kwento. Ang kahirapan ng paglipad sa mga syudad ay nakasasagabal sa flight pattern ng mga hornbill. Ang injury ng isang ibon ay hindi lamang nakada-dagdag sa drama ng kanilang paglalakbay kundi nagpapakita rin ng mga difficulty at behavior ng mga sugatang ibon. Ang naturang drama ay sumisimbolo rin sa katapatan at habambuhay na pagsasama ng mga parrot sa kanilang mga partner.

May iba pang mga tauhan at kwento ang ipinakilala sa libro. Ang Princess Hornbill ay pinakita bilang isang inosente at damsel-in-distress. Ang naturang paglalarawan sa hornbill ay madaling magugustuhan ng mga batang mambabasa. Sa katunayan, ayon sa may-akda, ang tunay na pangalan ng Princess Hornbill ay Sulu Hornbill. Tinawag niya umano itong Princess dahil sa mala-fairytale na paghahanap ng naturang ibon sa kanyang mate o Prince. Interesante rin na pinili ng may-akda na bida ang isang babae sapagkat madalas na lamang na lalaki ang naghahanap ng kanilang makakapareha. Isang magandang style ito ng pagpapalit ng gender role sa litereature kung saan ang Prince ang mag-isa at nagdurusa sa simula samantalang ang Princess naman ang matapang at malakas na maghahanap sa kanya.

Isa pa sa mga tauhan ay ang kuwago na wise adviser at ang agila na siyang patriarch. Ang dalawang ibon ay parehong umaayon sa kanilang mga traditional conceptions. Ang naturang conceptions sa kanila ay time-saving sa character development. Ang iba pang characterization styles na ginamit sa mga ibon ay kwela sapagkat inayon ito sa kanilang personality. Halimbawa ay ang mga parakeet na pinakitang mga curious at mapaglaro samantalang ang mga mynah naman ay mga maiingay. Hindi dapat magbase lang sa stereotyping dahil iba ang nangyari sa tauhang daga na hindi mo pagkakamalang magiging bayani pala sa bandang huli.

Ang buhay at pakikipagsapalaran ay magkaugnay kagaya ng buhay ng paglalakbay ng Princess Hornbill. Ang kanyang paghahanap ng mate ay hindi lamang isang layunin kundi isa ring rebirth kasabay ng pagbabago ng kalikasang kanyang ginagalawan. Maaaring ipakilala ng may-akda ang lahat ng mga endangered species ngunit mas pinili niyang mag-focus sa iisang ibon lamang upang mapatunayan na maski ang pagsasalba sa isang ibon lamang ay malaking bagay na.

Isang literary device na ginamit sa akda ay ang magulo at pabagu-bagong sitwasyon ng lalaking hornbill. Ang pagiging magulo o pabagu-bagong pakikipagsapalaran ng ibon ay hindi lamang magdadagdag ng sense of urgency sa kwento kundi magpapakita rin ng bagong break sa kwento para hindi ito maging boring.

Maaaring ang mabilis o fast-paced na kwento ay magdudulot ng aksyon, ngunit mas magandang naging mas dramatiko ito sa pamamagitan ng pag-build up ng suspense. Maaaring gumamit sana ng technique ang may-akda kung saan ipinadama niya sa mamababasa na okay lang ang lahat at walang problema at bigla-bigla niyang ipinasok ang suspense. Sa pamamagitan nito, napaisip na ng may-akda ang mambabasa sa mga posibleng solusyon sa problema, napataas pa niya ang tensyon ng kanyang kwento. Halimbawa, maaaring ang mga ibon ay nag-usap muna kung paano sila makakahanap ng pagkain bago biglaang dumating si Princess Hornbill dala-dala ang solusyon sa problema. Ang mabilisan sanang pagbunyag ng solusyon ay magsisilbing life-saving moment para sa mga ibon. Ang mga conflict sa istorya ay mas nabigyang-pansin sana lalung-lalo na ang parte ng kwento kung saan ang bidang hornbill ay nalulungkot at nangungulila sa mga iniwan niyang kaibigan. Ang katapusan o ending din ng kwento ay masyadong biglaan. Mas nagustuhan siguro ng mga mambabasa kung ang tauhan na kanilang sinusubaybayan ay hindi lamang nakamtan ang kanyang mithiin kundi naging mas masaya sana siya kung muli niyang nakita ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Sa ganitong paraan,  naramdaman siguro ng mga mambabasa na parang mga ibon din silang lumilipad at nakikipagsapalaran sa marahas na mundo.

Bagama’t iba ang writing style na ginamit ng may-akda, nagawa pa rin niyang maipakita ang mga nakasasabik at nakabibighaning kwento tungkol sa buhay ng mga Philippine birds, partikular sa kanilang mga paghihirap at pangangailangan. Nagbigay ang may-akda ng bagong point of view kung paano dapat tingnan ang ating kalikasan. Bibihira sa mga librong pangkalikasan ang mahaba at malalim at ang mga mambabasa kabataan pa man din. Sinabi rin sa libro na ang naturang environmental issue ay pandaigdigan din sa pamamagitan ng paglalagay ng tauhang imported na ibon.

Kahit pa ang libro ay may mga illustration, hindi lamang dito natuon ang pansin ng mga mambabasa. Ang mga illustration ay nagsilbi lamang gabay sa kung anong hitsura ng ibon. Mas maigi rin siguro kung mas gumamit ng mga detalyadong illustration para nang sa gayon ay mas umangkop ito sa kwento at mas maappreciate ng mga tao ang mga ibon.

Kahit walang mga illustration, ang mismong istorya ay sapat na para mabighani rito ang mga mambabasa at lalo pang ipagpatuloy ang pagbasa sa libro. Ang istorya ay gumamit ng napakayamang narration o paglalahad. Sa pamamagitang ng focused style ng pagsusulat at napakayamang paglalahad ng mga , detalye, talaga nga namang ang librong Birdflight ay magugustuhan ng mga batang mambabasa.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s