Star OFW: Abu Dhabi-based Filipino Photographer Picks Up Global Prize

Nang si Manny Fajutag ay minsang dumungaw sa labas ng jeep para kunan ang sunset, wala siyang kaide-ideya na siya ay kumuha pala ng isang award-winning na litrato.

Matapos ang isang taon mula nang kunan niya ang nasabing sunset picture, ang Abu-Dhabi-based Pinoy photographer ay recognized na ngayon worldwide.

Ang litratong ito na pinamagatang ‘Rush Hour’ ay nagtamo ng mataas na karangalan sa Open ‘Travel’ Category ng Sony World Photography Awards. Ang nasabing litrato ay pasok sa Top Ten na mga litrato mula sa 54, 000 na kalahok mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ayon kay Fajutag, siya ay nakaupo sa isang jeep pauwi galing sa bakasyon sa Sibuyan Island nang mapagdesisyunan niyang kunin ang kanyang Sony NX5 camera para kunan ang isang napakagandang eksena—‘yon nga ay ang sunset.

Ang kanyang kuha ay makapigil-hininga. Pinapakita sa litrato ang fading sunlight na pumapalibot sa isang maalikabok na daanan. Tanaw din sa litrato ang isang bulubundukin at gayundin ang isang malumanay na dalampasigan.

PASSION

Unang beses lamang ng tatlumpu’t-siyam (39) taong gulang na dating helicopter mechanic na sumali sa isang kompetisyon at hindi niya nga maitago ang kanyang kasabikan.

Ayon kay Fajutag, hindi raw siya makapaniwala nang una niyang matanggap ang tawag. Siya raw ay nabigla sapagkat siya ay isang amateur photographer lamang. Hinikayat lang daw siya ng kanyang kaibigan na sumali sa contest sa unang pagkakataon at siya ay nanalo pa.

Unang nagustuhan ni Fajutag ang photography bilang isang hobby nang siya ay lumipat sa United Arab Emirates (UAE) noong 2009. Natututo siya ng photography sa sarili niya lamang. Ayon kay Fajutag, ang photography ay naging passion na raw niya simula nang matutunan niya ito tatlong taon na ang nakalilipas. Noon, mayroon lang daw siyang isang lumang point and shoot camera na may fixed lens lang.

Simula noon, nag-upgrade na si Fajutag sa isang changeable lens camera at lalo na siyang nahikayat kumuha ng mas marami pang litrato. Mahilig siyang kumuha ng mga landscape at live shots at kung minsa’y still-life photography.

Si Fajutag ay natuto ng mga tips and tricks sa mga photography books at sa pamamagitan ng pag-attend sa mga seminar. Ngunit higit sa lahat, si Fajutag ay lubusang natuto dahil sa kanyang kagustuhan at pagsisikap na mas gumaling pa sa phtography.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s