Rant and Relaxation: Travel Galore Quick Review

Exclusive tour kami pero may dalawang hindi natuloy (pero bayad pa rin sila). Tapos Day 2 ba naman biglang may “joiners”, ‘yong isa taga-opisina raw ng Travel Galore at ‘yong isa kalandian yata no’ng driver. Bale naki-joyride lang sila at date na rin siguro no’ng driver at isang babae. Sabi no’ng taga-opisina itu-tour niya raw kami kaya sumama pero wala namang ginawa. And itong si driver hindi man lang muna kami tinanong kung okay lang bang may sumama sa EXCLUSIVE TOUR namin. Pagsakay namin nando’n na ‘yong dalawa. Wow. Nakalagay ba sa company policy na okay lang sumama sa tours ang mga taga-opisina?

Tapos exclusive tour kami ha pero lagi naming hinihintay ‘yong mga ibang van na tropa ni driver. So lagi kaming late. 10PM ang ETD sa Megamall pero quarter to 12 na umalis kasi nga may hinihintay pa. Sa bawat destination at stopover hinihintay din ‘yong ibang vans. Kung hindi pa kami nagre-request na umalis na saka lang siya kikilos. Lalo na sa Pagudpud. What if tapos na kaming maligo tapos ‘yong sa ibang vans nakalublob pa? So parang ang lagay pa pala joiners kami sa tour ng iba?

At ang nakakainis, downgraded ang accommodation namin. Gusto namin may pool at beachfront tapos biglang nasa downtown kami at wala pang pool. So nagrefund sila ng 200. Ang style yata kasi nila mag-abang ng ibang tourists at isisiksik silang lahat sa iisang hotel kaya idi-disregard na nila kung anong preference ng guests. ‘Yong unang hotel namin may pool eh pero hindi nila agad pinabook kasi malamang naghihintay nga sila ng mas maraming guests. ‘Yong kakilala ng friend ko na Travel Galore rin, gusto nila walang pool tapos pagdating ng Ilocos nasa hotel sila na may pool. Late sila magpa-book kahit pa exclusive ang tour, ‘yon!

Pangit din ‘yong resort operator pagdating sa Blue Lagoon sa Pagudpud. Pay CR lang ang meron. Alam naming sariling gastos ang cottage kaya we opted to just stay in the van na lang sana since hindi naman lahat lalangoy. Pero sabi ni driver “required” daw at libre na ang CR kahit hindi naman talaga. Malamang may komisyon kasi siya kaya ganyan.

Ngayon, readers, alam niyo na kung bakit hindi nare-review ang Travel Galore sa Facebook dahil puputaktihin sila ng bad reviews. Search niyo sa Facebook/Google ang Travel Galore o Travel Galore review/s at makakakita kayo ng bad comments about their services. Mostly tungkol sa poor communication, late departure, driver issues, at downgraded accommodation. Huwag pong magpasilaw sa maraming likes ng page nila at kahit pa ba DOT-accredited sila.

Advertisements

6 thoughts on “Rant and Relaxation: Travel Galore Quick Review

  1. Lahat na kasi ng millennials, nagta-travel. Nakita kasi sa Facebook, sa Instagram, o sa kung saang social media page. Si ganito, nag-travel sa ganitong lugar. “Ako rin! Ako rin!”

  2. I also have bad experience with Travel Galore. Joiners kami sa hindi talaga exclusive na tour. Dalawa kami ng pamangkin ko na pupunta ng Sagada. Luckily, halos girls din lahat ng nasa van at may isanh family pa na kasama kami. When the van went on its way, pagdating sa unang bus stop, nalaman ni Kuya driver na Sagada bound pala kami. He was supposed to drive Ilocos bound passengers. Buti hindi niya kami iniwan. Kahit first time niya sa Sagada, ipinagdrive niya kami. The tour pagdating sa Sagada ay hindi organisado. Pero we tried to enjoy it as much as we can kesa ma-batrip kaming lahat. Hahaha. I’ll never go with Travel Galore ever again.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s