wagmagsawalambahala

Binabagtas, matagal na panahon na,
Ng aking paa, itong pangungulila–
Tanong sa kawalan, liwanag nasa’n ka?
Nang lahat ay mawala, bakit kailangang may matira?

Ginagalugad ang gubat ng pagluluksa,
Baka maaaring iwan dito ang mga ayaw na gunita
O mapulot sa ilang ang mga nais maalala–
Nang lahat ay mawala, bakit kailangang may matira?

Kasiyaha’y ‘di darating kung magsasawalangbahala
Sa mga nararamadaman at nakikita–
Kasiyaha’y darating kung tinatanggap ang pagdurusa,
Ang pagkilala sa kalungkutan ay simula ng pag-asa.

Maaaring magpanggap na ako–ikaw–ay masaya,
Ngingiting walang maliw, sasalubungin ang umaga–
Ngunit ang tanong, magaan ba ang dinadala?
Magpadala sa hapis, aakayin ka nito sa saya.

Nagtatago ang pag-asa sa maraming mukha–
Hindi kolorete, hindi maskara–
Nakasimangot ka ngayon, hayaan lang muna;
Galit ka pa rin ba? Hayaan lang tumila.

Hindi pinipilit ang agarang maging masaya,
Maging kalungkutan ay dapat dinarama,
Kaya’t sa susunod na mapadpad sa laot ng pagdurusa,
Magpatangay dito’t magpabasa sa luha.

Muli’t muli’y daraan ka sa gubat ng pagluluksa,
Susubukin kung ika’y matatag na,
Ngunit magagawa mo nang harapin ang ayaw makita
Kahit wala na ang lahat at ikaw na lang ang natira.

Sa susunod na ikaw ay mabihag ng madilim na gunita,
Huwag magsawalangbahala’t idilat ang mata–
Sa poot, galit, lungkot at takot nagtatago ang pag-asa,
Kahit wala na ang lahat at ikaw na lang ang natira.

Lahok sa Saranggola Blog Awards 2016 [Tula: Pag-asa]

Mga isponsor:

dmci1 inquirer

devicephilippines dailypedia lionheartv

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s