Pero Torpe

Nais na ibigin ka
Ngunit puso’y nagdududa
Kung may matatanggap ba
Kung ako’y umamin na.

Kaya imbes na magsalita
Hinahayaang ipakita sa gawa
Na ang pag-ibig wala sa bunganga
Kundi sa kung paano umasta.

Ako ngayon ay umaasa
Na sana ika’y mayroon ng hinala
Tungkol sa’king pusong nangungulila–
Naghihintay na iyong mahalata.

Kaya hangga’t walang pag-iisa
Sa kung anumang namamagitan sa ating dalawa,
Ako’y nagsusumamo na iyong madama
Na sadyang mahal lang talaga kita.

At kahit pa pinatahimik ako ng aking pagnanasa
Na sana’y iyo rin akong sinisinta,
Nagsusumigaw naman ang aking pag-asa
Na sa kabila ng hiya, ipinagmamalaki kita.

Kung paanong napatikom mo ang aking bunganga,
Kung paanong ako’y ‘yong napatutunganga,
Kung paanong nagmumukha na kong tanga,
Kung paanong ang lahat ng ito’y tatagal pa.

Hanggang mawalan na lang yata ng hininga
Sa pagpigil ng mga salita,
Nandito pa rin akong maghihintay sa umaga–
At baka ngayong gabi’y makalaya na tayo sa piling ng isa’t-isa.

Lahok sa Saranggola Blog Awards 2016 [Tula: Pag-ibig]

Mga isponsor:

dmci1 inquirer

devicephilippines dailypedia lionheartv

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s