Kamatsile

Nang una kong matikman ang kamatsile,
Hindi ko maipaliwanag ang lasa–
May kapaklaan at nanunuot sa bunganga
Ngunit ‘yong pakla ay may kasamang tamis.

May kakunatan din ito’t malutong ang ibang laman
Na kapag kinagat mo’y kumakapit sa ngalangala–
Baka upang manamnam mo ang ‘di mawaring lasa
O mabigyan ka ng panahong magpasya kung masarap ba.

Oo, masarap ‘yong kamatsile’t nakalulungkot na bihira ito sa lungsod,
Kung bakit sa napakalayong Abra ko pa natikman ang bungang ito
Ay patunay na may mga bagay na masarap balikan,
Mahirap man maipinta kung anong dapat malasahan o maramdaman.

072616

Advertisements

2 thoughts on “Kamatsile

  1. Haha, may puno samin ng kamatsile kaya yung street namin dun, Kamatsile St. Sa Parañaque City lang. So meron sa Manila, hahaha. di ka na dadayo ng Abra. nalalaglag lang yan sa daan pero walang pumapansin kasi nga matabang medyo. pero super healthy yang fruit na yan. pwedeng pwede sa mga diabetic. 🙂

    • Hala. Never pa kong nakakita ng kamatsile sa NCR. Promise! Haha. Sa Abra ko lang una at huling natikman. Tapos diyan dinadaan-daanan niyo lang? Ipunin mo, bigay mo sa akin. Hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s