Buhay Droga

Teka, dito na lang ako maglalabas ng political shit ko. Sabi sa’kin ng dati kong katrabaho napakapulitikal ko raw sa Facebook lately e. Masaya naman akong pulitikal ako, matagal na. ‘Yong mga sinasabi ko naman hindi mala-Mocha Uson level, so okay lang dumada. Hindi pwedeng shut up na lang ako.

Nagtataka ko kung bakit field day kung field day ang mga pulis ngayon. Ang dami nilang nahuhuling pusher. Ang matindi, pati mga top drug lords biglang nalalambat! Kaya napaisip ako kung bakit biglang alam nila kung nasaan ang lungga ng mga durugistang ito? Kasi nga konektado sila sa sindikato. Kaya naman pala nilang maging epektibong alagad ng batas pero kinailangan pang si Duterte ang manalo bago nila gawin ang trabaho nila. O tama ba ‘yong mga sinasabi, maski VACC sinabi na rin ‘to, na pinapatahimik lang ‘yong mga pinapatay na small-time drug dealer? Pinapatahimik kasi siguradong pulis daw protektor ng mga drug syndicate. At saka bakit hindi patayin ‘yong mga nasa tuktok ng pyramid? ‘Yong mga mayayamang drug lord? ‘Yong mga Intsik at Taiwanese na miyembro ng Triad? O ‘yong mga narcopoliticians? Naku! May nabasa pa nga kong post ng isang FB friend na bakit wala raw namamatay na mga elitistang nagtutulak ng droga. ‘Yong tipong mga de-ecstasy sa high-end bar o rave concert. Bakit daw mahihirap lang ang namamatay?

Pero ito ang pinakanakakatakot. May mga ilang pinapatay na inosente naman pala. Sabi nila, “Kung wala kang ginagawang masama, bakit ka matatakot?” Wala namang kinikilalang mabuti o masama ang bala ng baril. Kaya walang ligtas kung mangingibabaw ang karahasan sa darating na araw. Patay tayo riyan, literally at figuratively. Kaya mga kapatid, gaya nga ng sabi ni Alma, “dasal na lang talaga.”

Advertisements

4 thoughts on “Buhay Droga

  1. True. Natatakot na nga din akong magsabi ng “adik ka ba” or “adik ka talaga” baka may makabasang willing pumatay, lagot ako.

  2. Naku. Medyo tumpak ka dyan sa rant mo. bihira lang ako manood ng news sa tv, but when I do, dios mio! puro patay na drug pushers/addict and bungad. Naisip ko din yan eh, posibleng tinutumba nalang ng mga pulis para mapagtakpan yung mga syndicate leader. tsktsktsk.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s