Isang Gabi Noong Septiyembre 25

image

“Tinanggap ko kung paano mo ko minahal, kaya ko ring tanggapin kung paano mo ko sasaktan.

Nasa terasa ko’t nakasandig ang ulo sa batong harang nito. Umuulan noon nang tanungin kita kung gusto mo na bang tapusin ang “tayo.” Alam ko na ang sagot ngunit gusto ko pa ring matusok ng sasabihin mo. Gumagapang na ang luha sa pisngi ko noon, at nang sumagot kang oo, tila lumakas ang ulan. Humampas ang hangin sa aking mukha, parang pagsampal ng katotohanang ayaw mo na. Ang simoy ng hangin ay lalong lumamig, dahilan para agarang matuyo ang lawa sa aking mata. Sa pamamaalam mo’y nanatili akong nakaupo sa bangkito’t pilit inuunawa kung ano itong dumadampi sa aking mukha–ang ulan ba o mismong luha ko.

Mismong text ko sa kanya ‘yang nasa litrato noong gabing ‘yon. Tapos na ang yugto ng buhay kong ito, naghalungkat lang sa lumang cellphone at naisipang ipaskil rito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s