Pagitang-Tao

Kung masanay nang walang ulan ang langit,
Saka natin pagtatagpiin ang kanya-kanya nating sakit
Upang makita kung kawangis ba ng dinanas mo ang pait sa buhay ko
At kung ang pait sa buhay ko ay may bakas ba sa pinagdaanan mo.

Kung hahanap-hanapin na ng lansangan ang ulan,
Saka natin balikan ‘yong sugat na tinahi ng ating nakaraan;
Hindi natin hihilumin, sasariwain lang natin ang alaala ng pagbubuklod natin
At bibigyan ng paggalang ang hiwalayang hindi mapapantayan ng pagkikita natin.

Kung lumalayo na ang liwanag at nililinis na ng takipsilim ang kalangitan,
Saka tayo magpaligtas sa isa’t-isa sa panandaliang paglayo natin sa mga kulay
At pag-iwas natin sa katagang hindi tinatanaw ng ating samahan:
Ang pag-ibig ay hindi nakabubuhay.

060816

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s