Sinong Tunay na Nadaya?

Conclusive ba na may dayaan na agad kapag zero votes si BBM sa isang lugar? Imposible raw ‘yon kasi lahat daw ng lugar sa Pilipinas may INC. Tiyak bang batayan ang boto ng INC para sabihin kung malinis o hindi ang eleksyon?

Sa tingin ko hindi. Una, gaano kasigurado ‘yong mga nag-aakusang INC member na lahat ng kasapi nila bumoto? Eh paano kung mas piniling magtrabaho? Eh kung nahuli sa pagpunta sa presinto? Eh kung nag-overvote o undervote sa VP? Eh kung ayaw lang talagang bumoto kasi ayaw niya ng kandidatong pinapaboto?

Tandaan po natin na uso ang command votes sa Mindanao. Malay ba natin kung mas pinili na lang ng mga INC sa iilang lugar na ‘yon na huwag bumoto dahil sa takot. Eh kahit naman may kapilya sila ro’n, mga warlord at political family pa rin ang nananaig minsan.

‘Yong mga sinabi ko, mga posibilidad lang ‘yan. Kapag posibilidad, posible ring mangyari. Ang masama sa mga nang-aakusa, wala namang maipakitang ebidensya maliban sa “may mga kasapi kami riyan.” Oh eh ‘di pumunta ka sa Basilan at iloyalty check mo mga INC do’n. Hindi dapat maging batayan ang personal na pananaw, lalo pa’t nakaakibat dito ang relihiyon mo, sa kung paano husgahan ang isang eleksyon. Bansa pinag-uusapan dito, hindi spiritual at political beliefs mo.

On bloc voting

Tanong ko na ‘to sa sarili ko matagal na. Lahat ba ng INC binoboto ‘yong inuutos na ipaboto sa kanila?

Nasagot na rin pala ‘yan kasi may kaibigan akong hindi sumusunod. Ewan ko kung tiwalag na ‘yon.

Ang complicated lang ng bloc voting para sa akin. Paano kung ayaw ko kay Marcos tapos pinapaboto sa akin ‘yon? Hahayaan ko na lang bang diktahan ng isang institusyon ang aking political beliefs and biases? Ang dami ko ngang nakita sa Facebook na INC friends ko na before iannounce ng INC ang kanilang mga kandidato, sobrang tahimik. Aba, nang ilabas na ang kanilang mga manok, panay tanggol na sila kay Marcos at nariyan na ngang mang-akusa ng dayaan. Saan ba nag-uumpisa at natatapos ang loyalty sa simbahan? O basta sinabi na lang ng lider na ito dapat, buburahin mo na mga personal mong pananaw at paninindigan? Hello identity and freewill.

See? Napaka-complicated na ‘yong spiritual adviser mo papakialaman ang political stand mo. Hindi pa ba sapat na kaluluwa mo na lang sagot niya na pati boto mo idadamay pa? Kaya nga may separation of church and state rin kasi ‘yang dalawang institutions na ‘yan, laging nagbabanggaan.

Nirerespeto ko ‘yong mga INC at kanilang mga paniniwala. Pero hindi ko magagawang respetuhin ‘yong mga nag-aakusa ng walang ebidensya. Tandaan, hindi tinatanggap sa korte bilang ebidensya ang opinyon o paniniwala. Lalo na’t eleksyon ang usapan, bansa ang nakasalalay.

“Do not spread false reports. Do not help a guilty person by being a malicious witness.” – Exodus 23:1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s