Yumao

May tradisyon sa Bayan ng Wakas
Na isang taon matapos mamatay ng mahal nila sa buhay,
Huhukayin ng pamilya ang bangkay,
Bibihisan, hahandaan at aanyayahan ang buong barangay,
Para sa padasal at salusalo.

Madali sa kanilang gawin ang nasabing tradisyon
Dahil may mga pamilyang sa mismong bakuran nila
Nililibing ang namayapa nilang mahal sa buhay;
Patunay ito ng kanilang pagpapahalaga sa minsan nilang nakasama–
Na yumao ma’y malapit pa rin sa kanila.

Ito ang paglisang isinasabuhay:
Ang hindi ka malayo sa mga tumatangi sa’yo.

Ito ang pag-alis na nakabubuhay:
Ang mananatili ka sa kabila ng kawalan mo.

Ito ang tunay na pamamaalam:
Ang pag-alalang ang hiwalaya’y hanggang hininga lamang.

Ito ang tapat na pagmamahal:
Ang pagnanais na makapiling ang hindi naman naglaho.

Ito ang tradisyong totoong hanapbuhay:
Na ang katapusa’y salita lamang.

052116

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s