Si Miriam (Talaga) Ang Sagot

Ang boto para kay Miriam ay botong sigurado. Sulit. Hindi masasayang (manalo man siya o matalo).

Iboboto ko siya dahil may layunin siya para sa bansa. Hindi siya ‘yong kandidatong nag-uumapaw ng mga motherhood statement ang plataporma. ‘Yong mga plano kasi ni Miriam para sa bansa, wide-ranging at long-term, pero abot-kamay at posibleng mangyari. Hindi tulad ng mga pangakong masarap lang pakinggan pero hindi naman konkreto.

Iboboto ko si Miriam kasi tunay siyang nagtatrabaho. Hindi siya ‘yong kandidatong pinagyayabang at pinamumukha sa mga tao ‘yong mga pinagawang paaralan, ospital, tulay, arko, covered court, atbp. Trabaho ng pulitiko ang mga ‘yan, hindi utang na loob ng sambayanan. Hindi epal ang kandidato ko. Ah, si Miriam kasi public servant, hindi pulitiko.

Iboboto ko si Miriam kasi ‘yong karanasan niya sa paglilingkod, may bigat, may pundasyon, at may pinaghuhugutan. Hindi siya ‘yong kandidatong umaasa sa partido, apelyido, o kasikatan para manalo. ‘Yong pangalan niya, walang bahid. Binuo niya ‘yon sa pamamagitan ng malinis, buong-puso, at tapat na paglilingkod sa bayan. Ang makinarya ni Miriam ay ang kanya mismong pangalan.

Iboboto ko si Miriam kasi akin siya. Sabi, “We elect the leaders that we deserve.” I deserve Miriam. Sana’y huwag nang sayangin ng iba ang pagkakataong ito na ihalal sa pwesto ang karapat-dapat na kandidato. The Filipinos deserve Miriam. Does Miriam deserve the Filipinos? Yes. Hanggang sa huling hininga niya. Kaya sana’y itaas ang diskurso at kalidad ng eleksyong ito, kasingtaas ng pagbabagong gusto mo. Siya ang pagbabagong hinihintay mo. Sino pa ba? Only Miriam.

Kaya sa Mayo 9, souvenir ko sa bansa ang pagboto kay Miriam Defensor-Santiago. Souvenir ko sa kinabukasan ng Pilipinas ang isang Miriam Defensor-Santiago.

Advertisements

4 thoughts on “Si Miriam (Talaga) Ang Sagot

    • Nakakalungkot naman talaga ‘pag ‘yong idol mo may cancer. Pero hindi naman dapat magpatinag si Miriam sa mga nagsasabing hindi siya magaling at “mamamatay na ‘yan eh.” ‘Pag may sakit ba ‘yong mahal natin sa buhay, susuko tayo sa kanya? ‘Di ba hindi naman. Kaya buhos lang tayo ng suporta. Haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s