Mar, Ano Ba?

image

Hindi ako supporter ni Mar hindi dahil elitista siya kundi dahil mahina siyang leader. Napaka-traditional na nga ng approach niya sa pulitika, nagmimistula pa siyang anino ni PNoy. Wala naman sa hitsura niyang kurakot siya at noong DTI Secretary pa siya, marami naman daw siyang nagawa (paghuhubog sa BPO industry sa Pilipinas). Bigyan naman natin ng kaunting credit.

Bakit nga ba mahina si Mar? Para kasi siyang manliligaw na ang dami nang pagkakataon na makakuha ng pogi points… pero sinayang niya ‘yong mga tsansa na ‘yon. O, ‘yong sa Mamasapano, sabi niya “I was left in the dark” ng supposed to be pinagkakatiwalaan siyang si PNoy. Bakit hindi ka nagpakalalaki no’ng krisis na ‘yon at nagbitiw sa pwesto agad-agad? Sampal kay PNoy ‘yon at dagdag pogi points din sana sa kanya. Ang pangit pa naman ng PR niya. Alam mo namang may mali siguro ro’n si PNoy sa operasyon na ‘yon pero imbes na batikusin, pinagtanggol mo pa rin ang administrasyon. Apologist ka nga raw kasi.

Pag-uusapan pa ba natin kung gaano ka nagmistulang naliligaw na “aid worker” no’ng Yolanda? Pulitiko ka nga yata no’ng mga panahon na ‘yon, hindi public servant.

Teka, naging DOTC Secretary ka nga rin pala at nahighlight ang kabulukan ng MRT sa ilalim ng pamamahala niyo ni PNoy. Bakit nga ba kasi kailangan pang biglaang magpalit ng mga maintenance contractor eh ayos pa naman ‘yong dati? Ayan tuloy, pati popularity mo parang MRT na rin. May ibubuga pa pero bulok na nga lang talaga. ‘Yong pinagtitiisan na lang ng mga mananakay kasi no choice. Tolerable ba.

Naniniwala nga ko na baka nanalo ka pa no’ng 2010 elections kung hindi ka nagsakripisyo para kay PNoy. Bitch, ang hina mo kasi. Hinayaan mong madiktahan ka ng mga “necropoliticians.” So ngayon, baka basted ka na naman sa mga manliligaw mo. Sayang ka, ang weak kasi.

image

#SiMiriamAngSagot
#LeniIsMyVP

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s