Mga Kuro-Kuro II

Mga sagot sa mga tanong ni Dave sa kanyang Real Neat Blog Awards. Sasagutin ko rin sa Filipino.

  1. Suppose you are a leader of a big organization like a democratic country where you could be ousted at any moment, which would you choose to focus on: The things you do, or how they are actually seen?

Do’n ako sa “the things I do.” Ang pamumuno ay tungkol sa serbisyo, ‘di bale nang kilala ka ng mga pinamumunuan mo o hindi. Ang mahalaga’y natutupad mo ang iyong sinumpaang tungkulin. Saka na ko magpapahusga sa mga tao kung nauna ko nang natapos ‘yong hinihingi ng mandato. Kumbaga sa pulitika, saka na ko eepal kung may napatunayan na ko. Low profile lang pero high ang performance. Ehem, Lito Lapid.

  1. Which would you choose: A job you love but would give you a mediocre life, or a job you don’t like but earns bigtime? No quitting of jobs and then transferring.

Hindi ako magiging praktikal, mas pipiliin kong maging romantiko kaya ro’n ako sa trabahong gusto ko kahit maliit ang sweldo. Masyado ng maraming praktikal na tao sa mundo kaya ro’n na ko papanig sa mga “nauuto ng puso.” Sabi nga ng laspag na kataga, hindi naman talaga tayo napasasaya ng pera. Kung ginagawa ko ‘yong bagay na gusto ko, parang ako na rin ang nagpapasweldo sa’king sarili. Ng ano? Higit sa kasayahan ay kasiyahan.

  1. What’s your favorite childhood memory?

Ang tagal kong pinag-isipan ng tanong na ‘to ha! Hindi naman ‘to paborito talaga pero nakatutuwa lang alalahanin. Sinamahan ako ni Papa rati sa field trip no’ng Grade 2. Tatay bonding! Panay ang litrato niya sa’kin sa mga pinuntahan namin at paminsang nililitratuhan ko rin siya. ‘Di kami gaanong close ni Papa ngayon, ‘yong tipong hindi kami nagku-kwentuhan tungkol sa’ming mga sarili o anupaman, pero nag-uusap naman kami ng kaswal paminsan. Hindi ba’t masarap balikan ang mga gano’ng tagpo?

  1. You are given the chance to live forever. Which would you choose: To remain forever young in an eternally replaying month (it’s always April 2015, people never get old, it never ends). Or to get old and feeble but have time progress?

(‘Yong ibang tao sa senaryong ito, mabubuhay din ba habambuhay?) Pero ro’n ako sa “to get old and feeble but have time progress.” Una sa lahat, bakit ba may mga naniniwala, naghahangad at naghahanap pa rin ng elixir of life? Hindi ba nila alam na parusa ang mabuhay habambuhay? Kaakibat ng walang katapusang paghinga ay ang walang katapusang pangungulila. Matuloy tayo, pipiliin ko nang maging matandang hukluban ngunit umuusad ang panahon. Mas maigi nang makakita (kung malinaw pa ang aking mata) ng maya’t-mayang pagbabago kaysa maumay sa paulit-ulit lang na pangyayari ng buhay. Ano pang nabuhay ako habambuhay kung para lang sa kahapon at hindi sa kasalukuyan? Padeep.

  1. In what fictional universe would you like to be a character in? (E.g., the Pixar Universe, the Nickelodeon Universe, etc.), and why?

What time is it? Adventure Time! Paborito. Random. At gusto kong sampalin si Tree Trunks kasi siya ang pinakaayaw kong tauhan sa palabas! At saka sino bang ayaw na makasama ‘yong mga ganito ka-cute na mga nilalang?

Cute King   

(L-R): Cute King, Rump People, Snail at Mr. Pig (nilandi ni Tree Trunks)

S2e26_Georgy Bubblesair 

(L-R): Georgy, Bubble at Cinnamon Bun

Untitled-1

Piglets

  1. What’s the stupidest thing you’ve ever done in your life? (Anon inbox replies welcome!)

Pwedeng ikulong sa dalawang uri ang kaestupiduhan: kaestupiduhang ginawa mo na ikaw lang ang may alam at kaestupiduhang nangyari na alam ng ibang tao. ‘Don ako sa pangalawa. ‘Di naman ako gaanong pilyo o thug kaya ito na lang siguro: no’ng bata ako, kasama ang isang kinakapatid, lagi naming inaasar ‘yong kapitbahay namin. ‘Yong buong pamilya, hindi lang ‘yong mga bata. Nariyang kinakatok namin ‘yong pintuan nila sabay takbo, inaalaska ‘yong magkapatid sa pamilya at laging kinukursunada sa oras ng paglalaro. Pinakamalala na yata ay no’ng lagyan namin ng buhangin ‘yong bagong laba nilang damit na nakababad pa sa Downy. Nahuli kami ng Tatay (Kuya N.) at hinabol kami paikot-ikot sa buong barangay (dalawang kalsada lang barangay namin). ‘Di naman kami nahuli ngunit kabado ako noon. Panay takbo at tago ang ginawa namin no’n. Walang natitinag. Walang sumusuko. Pagkauwi, naalala kong kainuman nga pala ni Papa si Kuya N. Siguro pinalipas na lang ni Kuya N. ‘yong nangyari kaya hindi ako pinagalitan kahit pa nag-iinom sila ni Papa sa bahay. Estupido na ba ‘yon? Ah, syempre mas estupido ‘yong mga hindi ko ibabahagi!

  1. What would be the worst sound to hear in the middle of the night?

Kamamatay lang ng kanyang Lolo. Gabi. Nagkataong wala ring kuryente (nagkataon nga ba?) Malayo pa ang bayan kaya sa lugar nila, nakaugaliang sa mismong bahay na inaasikaso ang bangkay. Inutusan si KJ na kunin sa ikalawang palapag ng bahay ang gatas ng bunso niyang kapatid. Pumalag siya no’ng una, “Madilim.” Pero natatakot lang talaga siya dahil walang tao sa taas. Tumuloy na rin siya. Ang tanging kasama ay ang liwanag ng kandila. Iniisip na lang niyang, “Kung may multo man, at least si Lolo ‘yon.” Madilim sa loob ng bahay, halos sa mukha niya lang dumadampi ang liwanag. Niyayakap siya ng malamig na hangin. Ngunit bigla siyang nakaramdam ng init sa kanyang kanang pisngi. Hindi iyon kandila. Parang may humihinga. Nagsawalang-bahala na lang siya sa gitna ng nararamdaman niyang matinding kaba. Tuluyan nang nagdilim nang may umihip sa ilaw ng kandila. Ramdam niya ang pag-ihip sa buo niyang mukha.

*Hango sa tunay na pangyayari. Nakakatakot naman talagang may ibang humihinga sa silid na wala kang kasama.

Unang Mga Kuro-Kuro

Advertisements

4 thoughts on “Mga Kuro-Kuro II

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s