Anino sa Mukha

Pagkiliti ng bigote
Sa’king labi’y
‘Di paghalik
O panunuyo
Pangungutya ito
Sa’king kakayahan
Na pakiramdaman
Ang aking sariling
Pagkatao
Katawan.

Kung bakit ang balbas
Ay payapa lang
At ‘di nagpaparamdam
Maliban na lang
Kung tatango ako’t
Pagtatagpuin ang baba’t dibdib,
Hindi ko alam
Marahil paalalang
‘Di ko hawak ang aking
Katawan
Pagkatao.

Ahitin ko na lang kaya
Pareho?
Ako pa rin ang talo
Dahil napahinuhod ako
Ng mga buhok sa mukha
Na nando’n lang naman
Walang ginagawa sa’king
Katawan
Pagkatao.

Advertisements

One thought on “Anino sa Mukha

  1. Bakit kailangan pang pagtuonan ng pansin ang mga bagay na wala namang ginagawa. Kung iyong aahitin pati ang panakbong sa iyong ibaba. Mag mumukha itong leeg ng manok na binibenta sa gilid ng kalsada. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s