Ganito ang Malasing

Magsisimula sa’king mata ang alak
Malalanghap ko ang kakaiba nitong amoy
Ngunit hahagkan pa rin ito ng aking kamay
Upang ipahalik sa’king labi.

Makikipagniig ito sa’king bunganga’t
Dadaloy sa lalamunan patungo kung saanman
Bagaman ang kanlungan ay ang aking tiyan,
Ibang bahagi ng katawan ang nilalasing nito.

Minsan ang utak, dulot ay deliryo
Minsan ang puso, hatid ay panlulumo
Madalang na sa tiyan lang lumalagi ito
Dahil sunod na rito ay ang bituka ko.

Ang labis na alak daw ay masama
Pasusukuin ang atay, damay bato’t lapay
Ngunit ‘yong malayo pa sa sikmura ang tunay na biktima
Susugurin ng alak pati ‘yong kaluluwa.

Malulunod ang iyong puso
Sa huwad na pagkalimot
Mauulol ang iyong utak
Sa masunuring lungkot.

020415

Advertisements

3 thoughts on “Ganito ang Malasing

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s