Paalam, Sir Robert Baldago

38167_113107525406938_7045690_n

Mula sa kanyang Facebook profile.

Gabi ‘yong klase namin sa kanya. 7:30PM. Pero wala kaming reklamo kasi sulit siyang Prof. Nagtuturo talaga kahit sabi niya’y nakakapagod ‘yong byahe mula Philippine Information Agency (kung sa’n siya nagtatrabaho) papuntang Polytechnic University of the Philippines. Lagi nga siyang pawisan pagpasok sa classroom bitbit ang kanyang projector. Ang kanyang sandata’y bimpo! Sabi rin niya, pangtaxi lang daw ‘yong arawang sahod niya sa PUP pero ‘di raw niya mabitiwan ‘yong pagtuturo dahil gusto niya raw magbahagi ng kaalaman sa kanyang mga “anak.” Iilan na nga lang ‘yong Prof sa College of Communication, nawala pa siya. Iilan na nga lang ‘yong magaling at dedicated na Prof sa COC, nawala pa siya.

Malaki rin ang pasasalamat ko riyan kay Sir Robert Baldago. Kahit mahirap ‘yong test—biruin mo ba naman pagkadami-daming enumeration—nakapasa naman ako; kahit mahaba ang reporting, may laman; at, kahit kumplikado minsan ang mga topic, natututunan naman. Mahirap mawalan ng Prof lalo na’t ‘di mo pa naaapply halos lahat ng mahalagang bagay na natutunan mo sa kanya. Tumatak sa’kin ang mga lesson (bukod pa sa mga tour) kaya’t tiyak na magagamit ko ang mga iyon balang araw. ‘Yon nga ‘yong legacy, ‘yong aral na magagamit ko dahil sa kanya. Hindi natatapos ang trabaho ng isang guro ‘pag nakapagtapos na ang estudyante niya. Patuloy lang ang pagyabong ng natutunan mo sa isang (nagtuturong) guro. At hindi rin natatapos ang pag-alala.

Si Sir Baldago rin ‘yong isa sa mga dahilan kung bakit naging kami no’ng first girlfriend ko. Pinilit niya kasi kaming magpicture no’n nang magkasama matapos ‘yong play na ginawa namin para sa subject niya. Unang hawak at dikit ko rin ‘yon kay first girlfriend. Hindi pa kami close sa personal no’n ng unang girlfriend ko—sa text pa lang—pero simula yata nang makunan ‘yong litratong ‘yon, nagkaro’n ng dahilan para mas magkalapit kami. No’ng kami na no’ng unang girlfriend ko at tuwing makakasalubong namin si Sir Baldago, lagi niya kaming binabati. Kaya may naiwang marka sa’kin si Sir Baldago dahil isa siya sa nagtulak sa’kin papasok sa isang relasyon. Nagtagal naman ng dalawang taon ‘yong relasyon at malaking bahagi ‘yon hindi lang ng buhay kolehiyo ko kundi ng mismong buong buhay ko.

Nagkakabigla ‘yong pagkamatay mo Sir! ‘Di pa nga kami tapos sa pangungulila sa pagkamatay ng classmate naming si Casius eh. No’ng unang malaman ko’y ‘di ko alam ang dapat na reaksyon ko. Saka lang nangilid ang luha ko ng pilit kitang inalala. Natuto ako sa’yo’t ‘yon ‘yong iniwan mo sa’kin. Bukod sa maalaala kong lagi kang pawis at may hawak na bimpo.

Advertisements

3 thoughts on “Paalam, Sir Robert Baldago

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s