Hindi Napapawi

Kung ‘di lang dahil sa’yong kamangmangan—o katangahan na ba ‘yan?—siguro’y hindi mo sinasabunutan gabi-gabi ang iyong buhok na manipis, amoy araw at mas tuyo pa kaysa sa walis tambo. Kinamayan ka lang no’ng mestisong ang mata’y singkit, inabutan ka lang ng sticker ng kanyang mukha’t may pangalang sa gabi’y glow-in-the-dark, nginitian at ika’y nagwapuhan at pinangakuang, “Ako pong bahala sa distrito niyo. Makakaasa po ba ko sa inyo, mga kababayan?” ay nagpakabaliw ka na. Magkano nga ulit ang inabot sa’yo no’ng nakadilaw at nakasumbrero niyang alipores? Isang Ninoy na pang-tatlong araw mo lang yata. Pagkain. Baon ng anak. Utang. Sabong. Yosi. Upa. Gamot. Sa isang araw na madudumihan ang iyong daliri ng tintang alanganing lila’t itim, isasakripisyo mo ang maraming taon ng iyong buhay. Ngunit bago pa man pala nadumihan ang iyong daliri sa araw na ‘yon, nawala na lahat ng pag-asa mong makaahon. Ayan, nakakalbo ka na tuloy.

123114

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s