Kabayoshi

Hindi natutulog si Kabayoshi
Hindi ko alam kung bakit
Umaga, madaling araw, tanghali’t gabi
Marunong pa kaya siyang pumikit?

Minsa’y nakasabay kong maglakad
Kaba raw ang bumubuhay sa kanya
Takot na ang kanyang halimuyak ay malantad
Kinukubli sa tikas ang umaapaw na lamya.

Alam ko na ang kanyang trabaho
Sa gabi’y madalas daw ang bayo
Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya
Kung ‘di siya natutulog, trabaho ang may sala.

Pero siniguro ko’t tinanong sa kanya
Kung ano ang kanyang pahinga
“Yosi-yosi lang,” nakangiting sagot
Nagpaalam bigla’t sa terminal humarurot.

Lagi kong nakikita si Kabayoshi
Pero ‘di lubusang nakikilala
Taong ang buhay ay puro gawa
Taong pagod na nagtatago sa tawa.

120914

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s