Batirol

Hindi ako mahilig sa kape
Mas gusto ko pa ang tsokolate
‘Yong purong cacao na binabatirol pa
Na sumisipa ang kaunting pait
Kasabay ang tamis na malinamnam.

Kung aayain mo kong magkape,
Sasama ako dahil gusto kitang makatabi
Habang hinihigop ang kapeng makrema
At hinihipan palayo ang init
Para palakbayin ang maligamgam na likido papunta sa’king tiyan.

Kung kasama ka, saka lang ako magkakape
Dahil ikaw naman ‘yong aking pinipili
At hindi ‘yong lasa ng kapeng maaroma
O ng tsokolateng nang-aakit—
Basta kasama ka, ang buo kong katawa’y naiinitan.

Kung pipilitin mo kong makahiligan ang kape
Hindi ko gagawin dahil ayaw kong mawili
Sa inumin na maitim o kulay lupa.
Maari bang sa’yo ko masanay at magpagipit?
Ikaw na gumigising sa’king kalamnan.

120914

Advertisements

6 thoughts on “Batirol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s