Lakbay Diwa

Hindi ko kayang matulog ng nakaupo
Sa anumang sasakyan
Hindi ko kayang matulog ng nakatayo
Kahit saan
Kaya ko lang matulog ng dilat
Pinaglalakbay ang isipan sa malayong lunan
At ang utak ay hindi imumulat
Hangga’t ang diwa’y ‘di nagpapaalam
Mas nanaisin pang humimbing ng gising
Dahil nabubusog ang kamalayan
Sa mga kaisipang humahalinghing
Ng kapanatagan at kalayaan
Malayo sa bugso at sunggab ng tukso
Ng mga bagay na walang kahalagahan
At ng mga ideyang tigib ng panibugho
Sa pagtahak ng diwa sa payak na kawalan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s