Tawiran

Itinawid mo ko sa kalyeng
May mga puting parihabang
Nakapinta sa mainit na aspalto nito.
Nakahinto ang mga sasakyan
At tayong dalawa lang
Ang gumagalaw patungo
Sa kabila.

Matapos tumapak ang
Huli kong paa sa bangketa’y
Dali-dali kang tumakbo pabalik
Sa’ting pinagmulan kahit luntian na
Ang kulay ng ilaw sa poste;
Sa pagitan nati’y rumaragasang
Mga sasakyan.

Hinintay kong mamula ‘yong ilaw
Ngunit dilaw pa lang ito’y
Nawala ka na sa’yong kinatatayuan.
Hindi ko na ngayon alam
Kung kaya ko pang tumawid
Sa kalsadang ito dahil hindi mo
Ko tinuruan kung paano bumalik sa’yo.

Advertisements

2 thoughts on “Tawiran

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s