Kanbas

hanging-on-at-mrt

Ang MRT ay isang malaking kanbas ng buhay. Tingnan mo kung paanong ang mga tao rito’y pagod, inis at laging nagrereklamo ngunit sa kabila ng lahat ng hirap na kanilang binubulalas, nandito pa rin sila sa loob. Araw-araw pa ring nakikipagsiksikan at araw-araw sinusuong ang mga problemang nais nilang takasan. Nagtitiis lang ba sila sa MRT? O nagmamadali sila kaya nasa MRT? Ano ang kanbas ng buhay—pagtitiis o pagmamadali? Siguro’y mas nangingibabaw ang pagtitiis. Saka na darating ang pagmamadali kung alam mo na kung paano ang magtiis. Hindi naman nagmamadali ang tao sa kanyang buhay. Sinasakyan niya ito’t araw-araw ay kailangang magtiis—sa pagsubok, sa problema, sa mismong buhay at kung saan ito patungo. Kung magmamadali ang tao sa buhay, binubuhay niya ba ito? Buhay ba ito?

Nang makita ko ang litratong ‘yan ni R. Jordan P. Santos dito, dali-daling humabi ng mga salita ang aking isipan. Mabilisan ang paghabi at bago pa man mawala ang mga salita, agad ko nang sinalba. Muli, ang larawan sa itaas ay pagmamay-ari ni R. Jordan P. Santos. Silipin ang kanyang mga larawan at tingnan kung paano niya nahahanapan ng lalim ang isang pangkaraniwang tagpo. Gaya ng paghanap ko ng lalim sa MRT.

Advertisements

8 thoughts on “Kanbas

  1. Hi BR! May isasangguni sana ako sa’yo, yaman din lamang na para na akong gamu-gamo sa blog mo. 🙂 Yung, nabanggit mo sa itaas “Ano ang kanbas ng buhay—pagtitiis o pagmamadali?”, nuong binaggit mo yung salitang “kanbas” ano ba talaga ang ibig sabihin niyon? Pag pasensyahan mo na lamang ang aking kamang mangan.

    • Sabi nila ‘pag tumingin tayo sa kanbas ng isang likhang sining (painting), kinakausap daw tayo nito o hinahanap natin ang sarili natin o mensahe ro’n sa art. Art appreciation. Kung ang kanbas naman ng buhay ang ating titingnan, ano bang inaabot nitong mensahe sa’tin? ‘Yon ‘yon. Sa katunayan hindi ko naman talaga sinagot ‘yong sarili kong tanong. Hahaha.

      • Akshuli, yaon din yung sagot ni Kumpareng Google sa akin. Habang nag se-serbey ako sa mga katrabaho ko dito sa opis, may nakapag sabi sa akin na may dalawang ispeling ang salitang ‘Kanbas’ sa wikang Ingles. Ang isa ay dalawa ang “S” and isa naman ay isa lamang. Kaya ayun, maraming salamat sa paglilinaw brad! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s