Kung Paanong Hindi Ka Maglalaho

Hindi ko alam
Kung paano mo binuhay
Ang iyong buhay.

Ang aking alam,
Ang iyong buhay
Ay binigyan mong saysay.

Sa paglinang sa’yong alam—
Sa tugma mong ‘yong pinapahusay,
Sa’yong pintang makulay.

Ang buhay ay isang paanyaya—
Gawin ang nais mong gawin
Bago ka manakawan ng oras.

Kung tuluyan ka nang mawawala,
May maiiwang mga alaala—
Tugma, pinta at mismong ‘yong hininga.

Hindi nanakaw ang iyong buhay
‘Di ka lang masisilayan at madarama—
Buhay ka, hindi lang humihinga.

Isang tula para sa kaibigan, kaklase, kabiruan, kasama at kapalitang-kuro. Para kay Casius Galahad Lopez (1993-2014) na maagang iniwan ang mundo ngunit mananatiling buhay sa diwa ng mga taong kanyang nakasalamuha.

Advertisements

3 thoughts on “Kung Paanong Hindi Ka Maglalaho

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s