Bobotanteng Pilipino

Makamayan lang ay siya nang iboboto
Maabutan lang, ang balota’y isasakripisyo
‘Di ba’t dapat mas matalino ka sa pulitiko?
Hindi ‘yong ginagawa kang ulol na aso.

‘Di dahil nagpakita sa miting de avance
Ay magpapakita na ‘pag ika’y naaksidente
Kung ang boto mo’y mabibili ng bente
Ang iyong utak, napakadaling ipagbili.

Bobong botante’y salot ng bansa
Sa sarili’t baya’y walang pagpapahalaga
Ang kaginhawaan na nais matamasa
Silang bobong botante ang kumokontra.

Bobong botante’t pulitikong pulpol
Utak ng dalawa’y pinagbuhol
Ang pagbabago’y ‘di sisibol
Kasaysayan na lang ang hahatol.

Hanggang kailan magtitiis ang Pilipinas?
Ang bulok na kaisipan, kailan magwawakas?
Ang mga may pakialam, nais nang kumalas
Ang mga makabayan, nais nang mag-aklas.

11192014

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s